Chapter 10.12 TATLONG araw ko na rin ginagamit ang balsa at umaalis ng hindi nila nalalaman. Nakahanap ako ng isang lugar na kung saan pwede akong makapag-isa, tahimik at malayo sa kanila. Kapag bumabalik ako sa bahay, sinasabi ko na lang na naglakad-lakad lang ako. Kagaya ngayon, nandito na naman ako. Nakahiga sa ilalim ng puno—pinagmamasdan ang mangilan-ngilan na dahong nahuhulog mula sa taas. Naglatag lang ako kumot na galing sa loob ng kubo ng balsa. Wala rin akong dalang pagkain o maiinom, nandito lang talaga ako para makapag-isa. Mananatili ako rito ng ilang oras pagkatapos ay babalik din naman ako sa amin—kung pwede nga lang din ay hindi na muna ako babalik sa kanila, pero alam kong mag-aalala sila sa akin lalo pa’t wala silang ideya kung saan-saan talaga ako nagpupunta. Pagka

