Chapter 11.9 PAGKATAPOS kong magbanlaw ay hindi ko na nakita pa si John sa baba kaya naman dumiretso na ako kaagad patungo sa kweba. Mga kalahating kilometro ang layo ko sa kweba’y nakikita kong meron nang liwanag sa b****a nito na nanggagaling sa loob patunay na nasa loob nga ang dalawa. Nagdadalawang isip pa ako kung papasukin ko silang dalawa pero kasi nakita ko ang kalagayan ng dalawa—baka mamaya kung anong mangyari sa kanila sa loob. Hindi pangkaraniwang alak ang pinainom sa amin ni John, marami rin naman akong nainom pero iba ang naging epekto nito sa mga kasama ko; kinausap ako ni Michael at—lumabas din ang totoong kulay ni John. Lumapit ako sa b****a ng kweba’t pinakikiramdaman ko ang loob. Wala akong naririnig na kahit na anong ingay na nagmumula sa loob. “Stephanie? Vic

