Chapter 9.2 “GOOD morning, John.” Pangunang bati ko sa kaniya pagkakitang-pagkakita ko sa kaniya. Halatang iniinda niya pa rin ang sugat niya sa kaniyang tagirilan, “…hindi ka na muna sana bumaba. Baka bumuka ulit ‘yang sugat mo.” “Good morning din—Doctor… Eric. Right? Eric Vertocio?” Pagtatanda niya’t tumango ako— “…I think—I’ll be fine. Pagkagising ko kanina—wala sa upuan kaya bumaba na ako—nahiya ako kasi ginamit ko pa ang kwarto mo.” Dagdag niya’t napatingin siya muli sa bahay at gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi, “…kayo bang gumawa ng bahay na ‘yan?” “Yeah—actually, ‘yong isang kasama kasi namin dito—si Victor, Architech kasi s’ya, siya ang nagdesenyo niyan at nagtulungan na lang kami para maitayo ‘yan.” “Bakit sa taas ng puno?” “Inatake kasi kami ng mga hyenas noong unang

