Chapter 12.7 “NASAAN na ‘yon magsyota?” Tanong ko kay John pagkaahon namin ni Michael. “Hindi ko alam—umalis na lang sila bigla eh.” Pumakibit balikat na sagot nito’t kapansin pansin ang pamumula nito’t halos hindi na rin talaga makatayo mula sa pagkakaupo nito—at ‘ni hindi na rin niya kayang ikilos pa ata ang buong katawan niya. Napatingin siya sa akin—sa aming dalawa ni Michael pero parang wala siya sa mood ngayon magsalita ng kahit na ano. “Dapat hindi mo sila hinayaan na umalis—ikaw ang nakakaalam sa lugar na ‘to—baka mamaya mapunta sila sa lugar na meron mababangis na hayop.” May halong pag-aalalang pagkakasabi ni Michael. “Michael—ikaw ‘tong malapit sa mabangis na hayop.” Sabi nito’t pumahiga sa buhanginan, “…they’ll be fine. Don’t worry. Walang mabangis na hayop sa lugar n

