Chapter 6.3

2975 Words

Chapter 6.3     NAGISING ako sa pagkirot ng sugat na natamo ko muna sa kagat ng hyenas sa aking braso. Ngayon ko lang din napansin na meron akong kalmot sa tagiliran ko at sa hita ko. Hindi naman malalalim kumpara sa kagat sa braso ko na kung hindi ko malalapatan ng gamot—posible maipeksyon ‘to. Wala akong dalang gamot dito—aasa na lang ako na baka meron akong makitang alternatibong halamang gamot sa loob ng gubat. Napaupo ako at napansin ko na mas maagang nagising sa amin si Victor na inaayos ang nasirang bahay namin dahil sa pag-atake ng mga hayop kagabi. Namatay na rin ang apoy at wala na ang katawan ng hyenas sa pinagtumbahan nito—malamang ay inilayo na ni Victor. Napahawak ako sa braso ko na nagsisimula nang mamaga talaga. Ngayon ko talaga iindahin ang sakit nito dahil wala na ak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD