Chapter 2.2

3458 Words
CHAPTER 2.2     MAKALIPAS ang ilang minutong paghihintay pumosisyon na ang mga stewardess sa mga pwesto nila. Nakatingin lang ako sa kanilang mga katawan habang nagbibigay siya ng instruction na dapat naming gawin habang nandito kami sa loob ng eroplano na halos memoradong memorado ko na. Kahit iyong mga hand gestures nila, kabisang kabisa ko na. nakuha ng katabi ko ang atensyon ko dahil, nakatutok talaga siya, at tahimik na nakikinig. “First time?” pang-aabala ko sa pakikinig niya. “Yes po, kaya medyo kinakabahan.” Lagi siyang ngumingiti sa akin sa tuwing sasagot siya sa mga sinasabi ko. “Huwag ka mag-alala, it’s fine. We’ll be fine. Tatlong oras lang naman ang biyahe natin.” “Matagal po ang tatlong oras.” sagot niya at parang hindi ko siya nakombinsi na magiging okay lang ang biyahe namin na makakarating kami roon ng matiwasay. “Hindi naman, masasanay ka rin.” Sinubukan kong palakasin ang loob niya. Umaandar na ang eroplano at ilang saglit lang ay papahimpapawid na kami. Mas bumibilis ang takbo nito at naririnig ko ang engine ng eroplano. Kagaya pa rin sa mga naunang biyahe ko, para pa rin talagang naiiwan ang laman loob ko sa lupa sa tuwing lilipad pataas. Pakiramdam ko kasi---lumulutang ang buong katawan ko sa hangin. Biglang napakapit si Michael sa kanang kamay ko na nakalapat lang sa hawakan. Alam kong nahihiya siya sa ginawang niyang pagkakahawak sa kamay ko, pero hinayaan ko na lang---kailangan niya talaga ng may mahahawakan. Ramdam na ramdam ko ang malambot niyang palad, maliliit niyang mga daliri sa kamay ko. Mahigpit at ayaw pumakawala. Ginawa ko, ako na ang humawak sa maliit niyang palad. Napatingin siya sa akin, “…nandito lang ako, wala kang dapat ikatakot.” Mahinahon kong pagkakasabi—pilit ang ngiti niya pero hindi halos maipinta ang itsura niya dahil sa kabang nararamdaman nito, “…pikit mo na lang mga mata mo. Maya-maya lang halos hindi mo na raramdaman na makina kapag nasa itaas na tayo. Sinunod naman niya ang sabi ko at mahigpit niyang pinikit ang mga mata niya. Sinamantala ko ang panandaling pagkakataon para pagmasdan ko ang itsura nitong batang ito habang nakapikit sila—kitang-kita ko ang bawat detalye ng kaniyang mukha na rumirehistro sa aking mga mata; maputi at hindi lang basta maputi ang kutis niya, parang babae ang kakinisan ng balat niya, malaporsela na tila ang nipis-nipis ng balat niya. Napakalago ng buhok niya na kapuna-puna ang golden brown highlights ng bawat hilba ng buhok niya at mas nagiging kapasin-pansin ito kapag tinatamaan ng liwanag. Sa pagkakatanda ko rin—at hindi ako pwedeng magkamali, wolf brown ang kulay ng mga mata niya na kung makikipagtitigan ako parang nakikita ko ang kabuoan ng personalidad niya. Sa mga mata niya pa lang, masasabi ko na kung masaya siya, malungkot siya, dismayado siya o kung magagalit siya, masyadong expressive ang mga mata niya. Maliit at may kaunting katangusan ang ilong niya na parang ang sarap kagatin hanggang sa mamula, manipis at maliit na labi, o sadyang tinitipid niya lang ang pagbuka ng kaniyang bibig. Natural and smooth pinky lips—parang malambot na mallows, siguro matamis kapag… hinalikan. Napaka-charming pa ngumiti lalo na parang lumalabas ang mapuputi niyang mga ngipin sa itaas—pantay mula front chisel shaped teeth hanggang sa dalawang katabi nito at may pagkaprominent ang talas ng mga pangil niya na kung sakaling meron siyang kakagatin, mamarka talaga. Kompleto ang buong-buo ang lahat ng mga ngipin niya mula sa itaas at ibaba. Napakinis talaga mukha, wala akong nakikitang pores man lang---ang cute ng mga pisngi niya na medyo namumula. Hindi ko rin pwedeng palampasin ang nakapa-well developed eyebrows niya na nagbibigay kaamuhan sa kabuoan ng itsura. Damn. Anong meron sa batang ‘to at nakukuha niya ang atensyon ko? Dahan-dahan niyang minumulat ang mga mata niya nang maramdaman niyang stable na ang lipad ng eroplano. “See? Sabi ko naman sa iyo, it will be fine.” “Yeah…” napatingin siya sa kamay ko na hawak pa rin ang palad ko, “…my hand.” “Oh.” Binitawan ko ang kamay niya at tumingin muna ako sa malayo. “Kaso, kailangan pa natin maghintay pa ng ilang oras bago tayo makarating sa Monterial.” Sa tono ng pananalita niya, kinakabahan pa rin talaga siya. Hindi ko alam, hindi ko maintindihan ang sarili ko pero para bang may naguudyok sa akin na iobliga ang sarili ko na pakalmahin siya hanggang sa makalapag ang eroplano sa destinasyon namin. “Siguro dapat matulog ka muna. Gigisingin na lang kita kapag malapit na tayo sa Monterial. Tignan mo kasama ko, parang wala lang sa kaniya ang lahat. Baka nga mas nauna na siya sa Monterial sa panaginip niya. Tapang niya ‘di ba? Hindi pa naka-seatbelt iyan. Pero, huwag mo siyang gagayahin. This belt, is for our protection…” Sabi ko—s**t. Parang lalo tuloy siyang kinabahan. Damn it, Eric. “…masasanay ka rin. At isa pa, kasama mo naman ako.” Pandaliang katahimikan. Parang mali na tama iyong huling mga salitang sinabi ko. Kitang-kita ko at dinig na dinig ko ang mahinahon niyang pagkakalunok. “Hindi naman ako makakatulog nito—but thanks, at least meron kumakausap sa akin.” Napalamig niyang magsalita talaga. Mas malamig pa sa mababang temperatura rito. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi siya pagmasdan—kahit naman kasi sa babae, kapag gusto ko, pinagmamasdan ko talaga, nakikipagtitigan ako. Parang nakasanayan ko na—pero pagdating sa kaniya, meron kaunting pagkailang pero hindi ko naman mapigilan. “I’m Eric, You’re Michaelangelo right?” Inalok ko sa kaniyang muli ang kanang palad ko para sa isang formal na pagpapakilala. Hinihintay ko na makipagkamay siya sa akin, bumakas sa itsura niya ang pagkakataka kung paano ko nalaman ang pangalan niya, “…nabasa ko kanina ang pangalan mo sa suot mong ID noong nabunggo kita.” Pumatango niya at hinawakan niya ang palad ko, napakagaan, “…Yes. I’m Michaelangelo.” Narinig ko naman pero hindi ko pa rin magawang bitawan ang kamay niya, “…Michael na lang siguro.” Nginitian na naman niya ako. Hinihila niya ang palad ko—at nabitawan ko. Nahihiya siya—patuloy. “It’s nice to meet you, Michael.” Pero parang mas gusto ko siyang tawaging… “…angel.” “Angelo po.” “Yes. Angel… lo.” Pamiro kong pagkakasabi. Bumuntong hininga ako at inayos ko pagkakaupo ko, “…ano pa lang gagawin mo sa Monterial?” “Doon po ako mag-take ng OJT ko.” “Geologist student. Tama?” Hindi na siya nabigla—alam niyang, nabasa ko rin talaga sa ID niya. Tumango siya. Hindi ko talaga gusto—na ginagamitan ako ng po at opo ng mga nakakausap ko lalo na sa Hospital kahit na meron akong mataas na posisyon. Pero kapag siya ang gumagalang sa akin, nagbibigay respeto, para bang… pag-aari ko siya. “Sorry pala sa nangyari kanina.” “Iyan ka na naman sa sorry.  Sabi ko naman sa iyo, hindi mo kasalanan. Sa akin, hindi ako nakatingin sa dinadaan ko kanina.” Kaswal na ang pakikipag-usap ko sa kaniya para hindi na siya makaramdam pa ng pagkailang sa akin, “…ilang taon ka nga pala?” Hindi ko alam kung tama na magtanong ng edad---pero sa uri ng trabaho ko. Kailangan kasi---pero hindi ko siya pasyente kaya parang… off. “22 po.” “Mas mukha ka pang bata sa edad mo. Para ka lang kinse.” Napangiti siya, “…hindi iyon biro. Seryoso. Mukha ka pang bata.” “I’m actually used to it. Lahat ng mga tao, ganiyan ang sinabi. Minsan hindi ko na rin alam kung matutuwa ako kasi—inisiip nila… mo, bata pa ako. Hindi naman na ako bata.” “Bata ka pa rin naman talaga.” “I am not.” Pagtanggi niya—pinakitaan ko siya ng unconvinced reaction, natawa siya. narinig ko ang maliit na boses ng tawa niya, “…okay. I’m just a kid. And so?” dagdag niya humorously. “32.” “Bata ka pa rin pala.” “Hmmm…” “Life starts at forty sabi nila.” Nakangiting sabi niya. “You can start your life when you reach the full potential of your maturity. Sabi mo nga sa akin kanina, I am a good-looking full-grown man.” Damn it. Bigla niyang kinagat lower lip niya. Tapos nag-smile siya ulit. “So anong ginagawa mo sa buhay mo, Mr. Goodlooking full-grown man?” “Actually, it’s doctor. Dr. Goodlooking fullgrown man. I am a doctor.” Proud kong pagkakasabi—kitang kita ko ang pagbuka ng bibig niya ng mapa-audible siya ng saliwang wow, “…yes sir, I am a doctor. Hindi nga lang halata.” Hindi ko talaga hilig ang mag-initiate ng topic sa isang conversation, pero gusto ko lang talaga na makausap lang siya. “Nice. Very nice. Dr. Eric.” Sabi niya, “…uhmm, doon ka po ba nagtatrabaho sa Monterial Hospital?” “No sir.” Sagot ko kaagad, “…may dadaluhan lang kaming seminar niyang kasama ko.” “He’s a doctor too?” “Yes sir. Mas lalong hindi halata sa kaniya.” Napatingin siya kay Gordon na humilik, napangiti siya. “Hind ko alam na sir ang tawag ng mga doctor sa patients nila.” “Sabihin na lang natin, kamuntikan na akong maging pulis bago ako maging doctor. Isa pa, hindi naman po kita patient, sir.”  Patuloy siyang namamangha sa akin, “…sasaglit lang talaga ako sa Monterial. Taga San Nicholai ako.” “Seryoso?” “Yes.” “Taga roon din po ako. Saan pa po doon, Doc?” nararamdaman kong parang mas nagiging interasado na rin siya sa pakikipag-usap sa akin. “Hmm, introvert ka no? Hindi kasi kita nakikita roon. Given na maliit lang ang San Nicholai. May apartment ako sa Jules.” “Hindi naman po ako introvert, sadyang taong bahay lang po talaga ako. Sa Leonardo’s Compound naman ako. Umm, iyong Jules po ba iyong malapit sa Nicholai Sports Complex na tapat ng hospital? Correct me if I am wrong, doon kasi ako nadaan araw-araw.’ Damn it. Bakit hindi ko siya nakikita roon? Saan ba ako lagi nakatingin? Napakalapit lang ng Leonardo sa Jules. “Yes doon nga. Matagal ka na ba roon?” “Years na rin po.” What? Ano bang nakaligtaan ko noong mga nagdaang taon? “Hindi mo ako nakikita o napapansin man lang?” Tanong ko—umiling siya. “Unang beses pa lang po kita nakita rito.” “Pwede pala tayo ulit magkita pagbalik mo sa Nicholai.” Sabi ko—napahinto rin ako sa pagsasalita. At bakit naman kami magkikitang dalawa? Anong okasyon? “Pwede naman po. Pero anim na buwan ako sa Monterial. By that time nakalimutan mo na po ako noon.” “Hindi naman ako ganoon.” Kumibit balikat siya at ngumiti na naman, “…ibig sabihin po ba sa H.L. Vertocio Hospital ka nagtatrabaho?” “Hmm, yes.” Bumuntong hininga ako, “…actually relative ko si Herardo Lucero Vertocio.” Hindi ko talaga gustong pinag-uusapan, pero—gusto ko lang din ibahagi sa kaniya. “You keep on surprising me doc. Pero—bakit po parang hindi ka masaya?” napansin niya—siguro sa tono ko. “Masaya rin naman. Ginusto ko rin naman talaga mag-doctor. Mataas kasi ang expectations sa ‘yo lalo na kapag blood relative mo ang may-ari ng pinagtatrabahuan mo. You’ll be monitored from time to time. Na parang meron nakasunod na CCTV sa iyo lagi. Kailangan wala kang lugar para sa pagkakamali, kailangan perfect kasi dala mo ang pangalan ng hospital. Overloading works, overkilling schedules, under freaking pressure. Talo ko pa ang ang machines ng hospital. Actually, itong pagpunta ko sa Monterial, hindi naman ako dapat ang kasama ni Gordon. But my lolo sent me sudden message—na kailangan ako ang sumama.” Pagkukwento ko, napapansin ko naman na nakikinig siya sa akin, at hindi siya nabo-bored sa pinagsasabi ko, parang interesado rin talaga siyang malaman, “…ganunpaman, kailangan kong gawin ‘to. Malaki ang utang na loob ko rin kay Lolo, mula noong maghiwalay sila Dad at Mom, isa si Lolo sa tumulong sa akin kaya nakapagpursige rin talaga ako. Hindi ko lang inaasahan na kapag naging isang ganap na doctor na ako, magiging strikto sa akin si Lolo. Nakakapagod din minsan, pero masaya ako. Sinabi ko rin sa sarili ko na, I will dedicate my life to help people who are sick.” “I felt so—honored po na maiopen up mo po ang mga personal na bagay na iyan sa taong kakakilala mo lang, sa akin po. Hindi pa nga po talaga tayo ganoon magkakilala ng husto.” Sabi niya at tama siya, dahil hindi ko pa talaga siya kilala, “…would you mind if I ask, kung meron ka na pong asawa? O kahit sinong kinakasama?” “Wala. I’m single and dating. Siguro, hindi ko lang talaga nakikita o nakikilala pa ang taong gusto kong makasama…. Habangbuhay.” Sinulyapan ko ang mga mapangusap niyang mga mata—napansin ko na parang nag-rosy ang pisngi niya at sabay iwas ng tingin niya sa akin, “…how about you? Anong kwento mo?” “Hmm, my full name is, Michaelangelo Salazar. A geologist student in International Science University, graduating student, hopefully kung makakapasa ako sa pagiging intern student ko baka sakaling maging ganap na po akong Geologist talaga. Wala po akong family. Sa isang plane crash accident, unfortunately hindi ako nakasama sa flight.” Sa huling mga salitang binitawan niya, naramdaman ko iyong lungkot niya—at pagsisisi. “Sorry to hear that.” Huminga ako ng malalim, “…isa rin talaga iyon siguro sa reason mo kung bakit takot ka sa plane? Hmmm… don’t say unfortunate, kung nasaan man family mo ngayon, masaya sila dahil hindi ka nakasama sa flight. Isa pa, kung kasama ka roon—hindi kita makakausap ngayon. Wala akong kausap natin. Maboboryo lang ako rito.” May halong kurot ng biro sa pagkakasabi ko na nagpangiti sa kaniya. “Mahirap po kasi mabuhay ng nag-iisa, mula noong mawala sila, I was too young, hindi ko alam kung anong gagawin ko pero kailangan kong ipagpatuloy ang buhay ko. Wala akong relatives na tumulong sa akin. Napunta ako sa orphanage, pinag-aral ako ng mga madre, noong nagkaedad na ako dahil sa wala rin umampon sa akin, lumabas na ako sa orphanage, naghanap ng trabaho at nakapasa ako sa scholarship kaya ito ako ngayon.” “Kita mo? You’re a strong person. Baka nga mas strong ka pa sa akin. Masaya ako na makakilala ako ng taong kagaya mo. hindi man parehas ang nangyari sa buhay natin pero kagaya mo natuto rin ang mabuhay na mag-isa, nag-iisa. Hindi ko pa talaga nararanasan na magkaroon ng tao na makakasama—iyong tipong lagi kong kasama.” Huminto ako, “…iyong kanina sa departure, nakita na talaga kita roon kanina, napansin ko meron kang kausap na lalaki.” Pagkasabi ko—binuksan niya ang screen ng phone niya at nakita kong magkasama silang dalawa sa iisang litrato… masaya, “…hindi mo siya pwedeng maging kapatid. Gaya ng sinabi mo, you live on your own, sino siya? Bestfriend mo?” panuloy nang pangungusisa ko. “Hmm.. we are more than just friends.” Nakangiting pagkakasabi niya habang nakatingin siya sa screen ng phone niya. bakas sa itsura niya na… masaya siya sa tuwing nakikita niya ang kahit na litrato ng lalaking kasama niya. nakaramdam ako ng—kurot ng kapiranggot na… inggit. At ngayon, sobrang linaw na sa akin ngayon. “Okay—I think, I am getting it.” Hindi ko na alam kung dapat ko pang ituloy ang pakikipag-usap ko sa kaniya. “I am gay.” Nakatingin niyang sabi sa akin, “…he is my partner.” Masaya talaga ang tono niya na parang sa lalaking iyon nanggagaling ang lahat ng lakas niya, inspirasyon niya—motivation niya. Ngayon lang din talaga ako nakakita—nakausap ng taong kagaya niya na buong loob na sabihin ang totoong pagkatao niya. Nasa itsura niya rin naman talaga ang pagiging feminine. Iyon din siguro rin talaga ang dahilan kung bakit—nakukuha niya ang atensyon. Hindi pa ni minsan akong nagkainteres sa mga bakla—oo napapatingin ako sa mga magagandang bakla, iyong mga babae na talaga pero ngayon lang ako naging ganito kalapit sa kagaya niya na para bang isa akong bakal at magnet siya, “…you don’t have to say anything at all. I do understand people, lalo na sa mga lalaking kagaya mo na malabong maunawaan ang nararamdaman ko, sa kagaya ko na isang homosexual na meron kinakasamang lalaki. Hindi ko o namin masisisi ang mga taong magsalita ng kung ano about sa amin. It’s human nature na manghusga ng tao, hindi nga lang natin naiisip na nakakasakit tayo ng damdamin ng ibang taong nahuhusgahan natin.” Hinawakan ko ang kaliwang balikat niya—tumingin siya sa akin. “Hindi ako ganoon Michael. Kung may mga taong mapanghusga, ako naman iyong isa sa mga taong walang pakialam sa mga bagay-bagay na alam ko naman na labas na ako. Ni wala nga rin akong pakialam kong anong isipin sa akin ng ibang tao.” Mahinahon kong tinatapik ang balikat niya. Nakita ko na naman ang malambing niyang pagngiti. “Thanks.” “So, bakit hindi mo kasama si—” “Erick. With k.” “Magkatukayo pala kami. Bakit hindi mo siya kasama?” “Hmmm… susunod na lang daw po siya. Dapat talaga magkasabay kaming dalawa, may nakalimutan siyang importante sa apartment namin kaya kailangan niyang balikan. Pinauna na niya ako kasi kung sasama pa raw ako sa kaniya sa apartment masasayang iyong ticket ko na bayad na ng University. Magkaklase talaga kami kaya magkasama at magkasabay kaming mag-o-OJT. Baka pabalik na rin siya ng airport ngayon, o baka nandoon na siya. Doon ko na lang siya aantayin sa Monterial.” “Okay—kaya ba kayo nagkagustuhan kasi magkaklase kayo? Magkaedad lang pala kayo.” Hindi na talaga intersadong malaman pa—parang wala ng saysay para malaman ko pa, pero mukhang masaya siyang magkukuwento sa akin. Kaya, kailangan ko na lang pakinggan, ako rin naman ang pasimuno kung bakit siya nag-open sa karelasyon niya. “Parang ganoon na nga po. He is two years older than me. Sa simula, akala ko nababaliw na ako kasi nagkakagusto ako sa lalaki. Given na galing po ako sa christian orphanage. I might look soft, I admit—pero I never thought, I could be more than just soft from the inside. Nagkakagusto ako sa kaniya—kaya sinabi ko na sa sarili ko na, I am gay. I have to follow what I feel. Hindi ko itatago kung ano talaga ako. But before me po, meron talaga siyang girlfriend. And I was with him when they broke up—siguro roon na rin na-develope ang feelings niya para sa akin. Nalaman ko, gusto niya rin pala ako—masaya raw siya na kasama ako. Kaya, naging kami po. After all, hindi lang po ako pala ang baliw, pati pala siya. Hindi ko naman po siya pinilit. Hindi ko siya inakit o… nilandi. Sabi niya, it was his choice na maging masaya sa piling ko.” masayang-masaya niyang pagkakakwento sa akin na para ngang binabalikan niya pa ang lahat ng mga napagdaan nilang dalawa. Bakit siya ang nakilala mo noon… bakit hindi ako? Damn it Eric. Ano bang iniisip mo? “Halatang in love na in love ka talaga sa kaniya ah.” Pilit kong pinapasok ang sarili ko sa usapan ito kahit na gusto ko na—lumabas at itigil na ang tungkol sa kanilang dalawa. “More than just in love, we are so much in love. Others might find it annoying but for us… it’s pure love, geniune love. Love means no gender at all. Love is for everyone.” “Sana all?” Nakangiti kong pagkakatanong—tumingin siya sa akin at nagkatawanan kaming dalawa. Pinagmamasdan ko ang mga ngiti niya, pinakikinggan ko ang tawa niya. Iyon siguro ang mga katangian niya na nagustuhan ni Erick sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD