Chapter 11.5 MAHIGIT isang buwang na rin ang nakakalipas mula noong matuklaw ng ahas si Stephanie. Mahigit isang buwan na rin akong hindi na talaga kinakausap o pinapansin man lang ni Michael. Sa tuwing lalapitan ko siya’y lumalayo siya sa akin. Umaalis-alis ako para magpunta sa lugar kung saan ako pwedeng makapag-isa at hindi na ‘yon binibigyan pansin pa ni Michael. Na para bang nakikita niya na lang ako rito pero wala na talaga siyang pakialam pa sa kung ano-anong mga gagawin ko. Nakakausap niya pa rin naman si Stephanie pero hindi na sila kagaya noong dati na sobrang lapit sa isa’t isa. Mas naging malapit siya ngayon kay John na lagi niyang kakwentuhan, katawanan at kabiruan. Wala naman din nababanggit sa akin si Victor tungkol kay Michael. Wala rin namang naglalakas loob na magt

