Chapter 11.7 “NO FREAKING WAY! Saan mo nakuha ang mga ‘yan?” Magkahalong bigla at sabik sa tono ng pagkakasabi’t tanong ni Victor. “Actually, nasa bag ko ‘to. I was thinking na buksan sana ang mga ‘yan sa darating na birthday ko…” “You still know when’s your birthday? I mean, alam mo pa ba kung anong araw ngayon coz personally, I’ve lost my track.” Sabi ni Stephanie’t inabot niya ang isang bote ng alak— “Alam ni Michael at nagbase lang din talaga ako sa mga bilang ng guhit na inilalagay niya araw araw.” Sagot nito’t napatingin si Stephanie sa mga guhit guhit. “Okay—actually, angel thought me how to read those markings. Kaso, nakalimutan ko na. sorry, dear.” Nakangiting sabi ni Stephanie kay Michael at ngumiti na lang din si Michael. Binabasa pa ni Stephanie ang label ng alak—at gan

