Hope's Pov Si Kelliar ang nag-aasikaso ng barkong sasakyan pabalik ng mainland. Sya na din ang nakipag-usap sa ilang residente ng isla na ipaghanda kami ng ilang gamit dahil mukhang matatagalan kami sa pag-stay doon. Eh hindi pa kami masyadong makakagala hangga't hindi natatapos ang meeting ni Heya sa palasyo. I know Papa is a responsible man and he'll do everything for my mother kaya sobra ang respeto ko sa kanya and now that I am personally witness how he handle everything just for her, wala na talaga akong masabi. "Hindi sya sasama?" tanong ko kay Heya na inilingan nito. Wala kasing kahit anong gamit ni Kelliar ang inilalagay sa barko. Eh halos dalawang araw din ang byahe mula dito hanggang sa Teiga Pier. "Mula nang mamatay si Empress Miren, bihira na syang magpunta

