Hope's Pov Maaga palang ay dumating na sina Papa Wain at dala na din nyang lahat ang gamit na kakailanganin namin para sa pag-aayos ng Hope Island. Sinalubong ko sya ng yakap at tinanguan sina Yuuka at Zeldrix. "Kamusta ang byahe nyo? Hindi ba kayo nahirapan?" "Medyo mahirap dahil alam mo namang halos wala na sa mapa ng Valier ang islang ito." ani Papa Wain. "Kung hindi nga lang namin kasama si Kian ay siguradong naligaw na kami." At doon ko lang nakita si Kian na kabababa lang ng bangkang sinakyan nila papunta dito. Tumingin ito sa akin at tumango pagkuwa'y nagpatuloy sa pag-uutos sa mga trabahador na nagbababa ng mga gamit. "Ang taray talaga ng batang iyon noh?" Natawa si Papa at ginulo ang buhok ko. "Pareho silang magkakapatid. Ang kaibahan nga lang ng papa m

