Hope's Pov Wala akong specific place kung saan hahanapin o magpapakita ang mga hybrid na hina-hunting ko kaya naman I just drive myself around and wait for them to appear. At doon ko lubusang nakikita ang epekto ng digmaan sa buong bansa. Sira-sirang bahay, negosyo at mga taniman. Nagugutom na mga bata at mga sugatang mortal. And I am sure, sila iyong hindi naman nakikisali sa mga gulong laganap sa buong bansa. Sila iyong nadamay lamang at walang ibang choice dahil mga simpleng mamamayan lang naman sila ng bansang ito. Kaya naghanap ako ng isang lugar kung saan sila magiging ligtas. Sigurado akong hindi sila sasantuhin ng sinumang bampirang mapapadaan kung saan sila naglalagi. Tinulungan ko din silang maghanap ng mai-imbak na pagkain, tubig at iba pang mga kakailang

