Hope's Pov Siniguro ni Papa Kelliar na matibay ang spell barrier na nakapalbot sa buong Ehrenberg Mountain para masigurong walang unwanted visitors ang makakapasok dito. At para masigurong wala ding makakalusot ay pinag-patrol ko sina Argo at Finn sa buong bundok. Isinama na din nila sina Yuuka at Zeldrix habang si Papa Wain ang namumuno sa ibang mortal na gustong tumulong sa pagbabantay sa buong bundok. Sinabihan ko naman si Graysean na asikasuhin ang tutuluyan ng mga refugee at ang mga makakain ng mga ito. Habang ang ibang miyembro ng Ehrenberg Clan ay tumutulong sa pag-aani ng mga gulay since may sarili namang farm dito ang pamilya ko. Si Kei, Xan at iba pang heneral ay nagpa-patrolya din sa kabuuan ng bansa upang maghanap ng mga nangangailangang i-rescue. At ako?

