Hope's Pov Isa... Dalawa... Tatlo... Apat... Lima... "What the f**k? Heydrich!" Iyan ang ilang beses ko nang naririnig tuwing mawawalan ako ng malay. At bakit iyon nangyayari sa akin? Well, mula nang malaman kong kaya ko palang gamitin ang high level spell na nasa libro ni Tita Heya ay agad ko iyong sinanay dahil malaking tulong din ang maibibigay noon sa akin. "Aray! Aray! Teka... Tammy!" Kanina pa nya kasi pinipitik ang tenga ko dahil sa inis na nararamdaman nya. "Tammy naman eh!" "Kulang pa iyan sa kapasawayang ginagawa mo." singhal nya. "Higit limang beses ka nang nawawalan ng malay pero mukhang wala ka pa ding balak itigil iyan!" Yeah, tulad ng naunang beses na ginamit ko ang Vela at Zaceti ay lagi akong nanghihina at nawawalan ng malay. Pero hi

