Isang linggo na ang nakalipas at nanatili pa ring nasa Penablaca si Norbert. Nais nya munang maglagi doon bago siya umalis mag-isa o kasama si Margareth dahil hindi pa ito nakapagpasya sa gusto nyang mangyari na bumalik sa Maynila. Dumalo rin sila sa birthday celebration ng daddy ni Bryle na ginanap sa Hacienda Isabella. "Baby, gising na." Isang halik ang iginawad ni Norbert sa pisngi ni Margareth. Nakapikit pa ito at mahimbing na natutulog. Ang araw ay gaya ng mga nakaraang mga araw na magkasama silang dalawa. Gigisingin sya ni Norbert gamit ang paghalik nito sa labi nya, sa pisngi, leeg o maging sa umuumbok na nyang tyan. Sa bawat araw na iyon ay mas lalong napapanatag ang isip ni Margareth dahil alam nyang sya lang ang babaeng mamahalin ni Norbert. Nagkahiwalay man sila ay ang puso ni

