"hindi niyo ba ibabalik?"mahinahon niyang tanong. Nagbulungan ang mga estudyante. Pare-pareho nilang hindi maintindihan ang sinasabi ng Headmaster. "ano bang libro yun? Para magalit siya ng ganyan?"tanong ng iba. "grabe. Nakakatakot tuloy." "parang may di magandang mangyayari."nanginginig na sambit ng nerd. "Dahil sa ginawa niyong paglapastangan. Magbabayad ang sinumang kumuha ng itim na libro.. Magbabago lang ang hinaharap once na ibalik niyo sakin ang librong ninakaw niyo."sambit nito sa isang nakakatakot na tinig. May pagbabanta. "Bukas ng umaga. Ilagay niyo ang libro sa lumang silid aklatan."sambit pa ng Headmaster na ikinataka ng lahat. "kelan pa nagkaroon ng lumang silid aklatan?" "hala. Saan ba matatagpuan yong lumang silid aklatan?" "Gah? May ganoon ba dito?" Sumagot

