Hindi makapaniwala si Cane na napadpad siya sa Netherworld. Sobrang init ng pakiramdam ni Cane nang sandaling magkamalay siya. Napapalibutan siya ng nagbabagang bato at apoy. Tila sinusunog nito ang kanyang balat. Hinahapo na siya sa kakulangan sa hangin. Hanggang sa dumating si Karina. Ang anak ni Decarabia..Sobrang ganda nito at may kulay violet na mata. Maputi ito, nakasuot ng pinaghalong violet at itim na kulay ng bestida. May mahabang alon alon na buhok. Mahabang pilikmata, masungit na facial features, matangos na ilong at manipis na pulang labi. May sexy itong katawan at masasabi niyang hindi matangkad hindi rin maliit na babae. Tama lang. Natigilan si Cane sa kanyang paghinga ng makita ito. Tila isa iyong Diyosa. Pero hindi sa langit kundi sa impyerno. Walang bahid ng pag ngiti

