ELA'S PoV Sa kalaliman ng gabi ay nagising ako sa mahihinang ungol na nagmula sa aking katabi, namumutla ito at halos maligo sa sariling pawis kahit pa wala itong pang itaas at malakas ang buga ng hangin ng aircon. "Red...Red..." tinapik ko ito ng mahina sa balikat nito pero hindi pa rin ito nagising sa halip ay mas lalong lumakas ang pag-ungol nito at para itong hirap na hirap huminga. Itinaas pa nito ang kanyang kamay na parang may inaabot Nanaginip siya ng masama? Hinawakan ko ang kamay niyang nakataas At muli itong mas malakas na tinapik "Red....Red!Red! Gising!" Halos yugyugin ko na ito dahil hindi magising sa pagtapik ko rito. Napasinghap ito na parang galing sa ilalim ng tubig "Ayos ka lang?" Tanong ko rito ng bigla ito napabangon. Hapong hapo ito at naghahabol ng hininga

