Red's PoV Sakay kami ng aming helicopter patungo sa bahay nina Ela sa bayan ng Romblon. "Marunong ka ba magbasa ng Spanish?" Tanong ko Kay Sadiki "Red, hapon ako hindi Espanyol." pilosopong sagot ni Sadiki Iniisip ko kung kanino ko ba pwedeng ipatranslate ang kastilang salita na nasa habilin ni Tatay Frederico. "I-google mo na lang" suhestiyon ni Sadiki na nilakasan ang Boses upang mas marinig ko. "We're not sure kung magiging accurate ba ang sagot sa internet kaya mas maganda kung sa mismong tao tayo magtanong " "Lolo mo, malamang may alam Yun na salitang kastila." ani Sadiki. Nakalapag ang aming sinasakyan kalahating minuto pagkatapos magtanghalian. Lumapag ang aming chopper sa hindi kalayuan sa mansion. Gusto ko sa ang isurpresa si Ela sa pagdating ko, nakaabang na kaagad doo

