RED’s PoV “Mauna na kami, Ms. Gorgeous. Babalik na lang ako ulit bukas.” paalam ko kay Ella Kakatapos lang ng pamamanhikan. Napagkasunduan na kaagad ang aming gaganaping kasal sa susunod na buwan. “Red, mag-usap nga tayo sandali,” sabi ng dalaga Nauna na sa kotse si Mama at si Lolo. Minanduhan ko na ang drayber ng sasakyan nina mama na mauna ng umalis. Sinundan ko ito kung saan siya pupunta. Nagpunta kami sa tapat ng kwarto nito. “Pasok ka.” sabi nito sa akin. “Sigurado ka?” tanong ko na may makahulugang tingin “Hoy, Redentor Ibañez. Kung ano man ang nasa isip mo ay nagkakamali ka. Mag-uusap lang tayo.” agad na depensa ng dalaga na nakapamaywang pa Bigla ako natawa sa pagkakabanggit nito sa buo kong pangalan at nagtataka dahil paano nito nalaman ang buo kong pangalan dahil sa p

