SHAO’s POV Naghihintay ako kay Bebeng simula pagkarating ko rito sa apartment. Hindi na ako mapakali. Sana pumayag siya. Nag-offer ako ng amount na sinisiguro kong mahirap niyang matatanggihan. Isang milyon para sa isang buwan. Para maging girlfriend ko siya sa labas at gagawin namin ang ginagawa ng mag-asawa. Maghapon kaming magkasama dito sa loob o sa labas. Imbis na papasok siya sa pinapasukan niya sa palengke ay dito siya sa akin pupunta. Hindi maalis sa akin ang sinabi ni Jhona na maraming nagkakagusto kay Bebeng at isa na ang byudong lalaki na katabi ng pwesto ng kanyang amo. Baka maunahan ako, kaya ako na ang nag-offer sa kanya. Isang buwan lang dahil babalik na ako sa kampo pagkalipas ng isang buwan. Sa isang buwan na pagsasama namin na dalawa ay nasisiguro ko na magagawa

