SHAO’s POV Nanatili pa rin ako rito sa parke. Wala sa bahay nila si Bebeng. Saan kaya siya nagpunta? Gusto kong tumayo para makabalik sa aking sasakyan at mahanap si Bebeng. Pero ang aking isipan ay itinuloy muli ang naantalang pagbubukas ko sa kaniyang account na ginawa ko. Agad na tumambad sa akin ang dalawang tao. Isa ay ako, at dapat ako lang talaga ang makikita ko rito. Ngunit bakit nandito si Mari? Ang kay Mari ay nabuksan na ang message. Ang sa akin, nanatiling hindi niya na-seen. Alam ko naman ang mga nakasulat sa messages ko kaya pwede kong hindi pakialaman. Paano nalaman ni Mari ang account ni Bebeng? At ano naman ang mensahe niya rito. Masama ang makialam ng hindi akin. Pero kailangan ko itong makita dahil iba ang dating kay Bebeng kapag si Mari ang pinag-usapan namin.

