BEBENG’s POV Unang araw pa lang namin at kakasimula pa lang ng araw ay napupuno na ang puso ko ng kaligayahan. Ang sarap sa pakiramdam. Pareho kaming nakangiti ni Shao. “Mahal, isuot mo na muna ang mga damit mong suot kanina. Aalis tayo. Kukunin ko lang sa ibaba ang mga damit mo,” sambit nito sa akin. Nakabalot ako ng towel sa katawan. Wala na naman siguro siyang balak na may gagawin na naman kami. Ang sabi niya isang beses lang pero dumalawa siya sa loob ng bathroom. Hindi ko naman siya pinigilan dahil gusto ko na rin. Pinunasan kong mabuti ang buhok ko, habang wala pa ang damit ko na kinuha niya sa dining area. Nandoon ang mga saplot ko, naiwan na kanina dahil umakyat kami na nakahubad. “Mahal, heto na. Wala akong damit na kakasya sa iyo, kaya mag-uulit ka muna.” Malambing niyan

