BEBENG’s POV
“Ako na ang maghuhugas,” tumayo na ako para kunin ko ang mga plato.
“Hindi kita pinapunta rito para paghugasin ng mga plato.” Sagot niya sa akin. Natigilan naman ako. Biglang bumalik sa alaala ko ang nangyari sa amin kagabi.
Pansamantala ko lang pala iyon makakalimutan. May trabaho nga pala ako rito kaya pinapunta niya ako.
“Pasensya na po, Sir.” Hingi kong paumanhin sa kanya. Nalibang ako. Hindi na nga pala siya si Shaolyn na kaibigan ko. Siya si Shaolyn na customer ko sa club. Ang lalaking nagbayad sa akin at pinagbigyan ko ng katawan ko.
Umurong ako at pinadaan ko siya habang bitbit niya ang mga pinagkainan.
“May kwarto sa itaas, ‘yong nasa may kanan na pinto. Bukas iyon, pumasok ka. May bathroom at nasa may kama ang damit na isusuot mo.” wika niya sa akin.
Tinalikuran na ako nito at nagtungo siya papunta sa kitchen.
“Bayad ka, Bebeng, kaya sumunod ka na lang sa sinabi niya. Wala ka ng maipagmamalaki dahil ibinigay mo na sa kanya kagabi ang katawan mo.” mahina kong sab isa sarili ko. Umalis na ako sa dining area at nagtungo sa may hagdanan. Nakita ko na naman ito kanina habang hinahanap ko ang tao rito kanina.
Ang buong akala ko ay ang ka-table ko kagabi dahil siya ang may pangako sa akin. Hindi ko naisip na pwedeng si Shaolyn pala ang may gusto na alisin ako sa club at sa kanya lang ako magbigay ng aliw.
Nasaan ang pamilya niya, kung dito siya nakatira?
Nandito na ako sa second floor at tumingin ako sa kanan. Dalawa lang naman ang kwarto rito. Isa sa may kaliwa at isa sa kanan. Kanino ang kwarto na nasa kaliwa kaya? Hindi ko na iyan problema.
Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang kwarto na kulay puti at itim lang ang kulay. Kaya kitang-kita sa kama ang damit na kulay pula. Isang nighties ito na may kasamang pulang panty. Nilapitan ko ang damit. Lace pa ang panty at napakaliit ng tela.
Dinampot ko na ang mga ito at dinala sa bathroom. Mas mahirap na abutan pa ako ni Shaolyn na hindi pa handa. Baka kung anong masakit na salita pa ang marinig ko kahit wala naman siyang iba pang sinabi sa akin. Ipinamukha lang naman niya kung bakit ako nandito.
Tinagalan ko ang paliligo. Ngayon na alam kong kailangan ko siyang pagsilbihan sa kama ay kailangan kong masiguro na malinis ang buong katawan ko.
Nagbibihis na ako nang makarinig ako ng katok. Si Shaolyn ito dahil wala naman ibang tao rito kundi kaming dalawa lamang.
“Matagal ka pa?”
“Palabas na po, Sir.” Sagot ko sa kanya. Sir ko siya at alipin niya ako.
Sinuot ko ang bra ko na suot kanina pero nahiya ako bigla. Makikita niya na nag-be-bacon na ang string kaya inalis ko na lang. Halata lang nga ang mga ut0ng ko sa suot kong nighties at hakab na hakab pa sa bewang ko. May suot nga akong panty pero kita naman ang kuyukot ko kapag tumuwad ako.
Napagmasdan ba niya ang buo kong katawan kagabi? Malamang dahil ang ilaw ay maliwanag. Hindi na namin napatay.
“May problema ka ba d’yan?” muli nitong tanong sa akin dahil hindi ko pa rin binubuksan ang pinto.
Hindi na ako sumagot at pinihit ko na ang door knob.
Parang nagulat pa siya sa akin. Hinagod ng mga mata niya ang kabuuan ko. Hindi maitatago na napalunok siya pagkatapos niyang suriin ang kabuuan ko.
Iba na rin ang suot niyang damit. Naka-shorts na lang siya at iba na ang kulay ng t-shirt niya. Baka sa kabilang kwarto siya nagbihis.
Kahit gusto kong takpan ang katawan ko ay wala naman akong pwedeng ipangtakip. Saka ito ang ipinasuot niya. Siya kaya ang bumili at alam niya ang sukat ko?
Nakatayo lang kaming dalawa at hindi na rin siya makapagsalita.
“Nandito na ako,” iyon na lang ang nasambit ko para naman maalis na ang mga mata niya sa katawan ko. Agad naman niya akong tiningnan sa mukha.
Napatikhim na naman siya. Pang-ilang beses na niya itong ginawa.
Iba kagabi ang lakas ng loob ko dahil may alak akong nainom. Pero ngayon ay normal ako. Walang alak.
“Gawin na natin ang kailangan kong trabahuhin. Nasabi naman sa iyo ni Madam na may oras ako. Kailangan ko rin umuwi.”
“Bebeng, bakit?”
“Anong bakit po?” Nagtanong siya pero bitin.
“Anong nangyari sa iyo? Bakit ka pumasok sa club?”
“Sir, wala pong nabanggit si Madam na may tanungan portion po. Hindi po ako pumunta rito para tanungin po ninyo. Nandito ako para gawin ang gusto ninyo sa katawan ko.” Tiningnan ko na siya sa kanyang mga mata. “Nagawa na naman natin kagabi kaya ano pa bang dapat itago ko.” Wika ko sa kanya at lumapit ako sa kama. Tumayo ako gilid nito. Napatingin ako sa orasan na nakasabit. “May tatlong oras po kayo para angkinin ang katawan ko.” Dagdag ko pa sa kanya. Walang sabi-sabi na inalis ko na ang suot kong damit pati ang panty na halos ang hiwa ko na lang ang natatakpan ay inalis ko na rin.
“Hihiga po ba ako?” Wala pa naman akong alam sa ganitong bagay. Kagabi ay nakahiga kaming dalawa kaya iyon lang ang alam ko. Hindi siya sumasagot at nakatingin lang siya sa akin kaya ako na ang nagdesisyon at humiga ako sa kama.
May biglang tumunog at nawala ang paningin niya sa akin.
“Dad,” wika nito pagsagot sa kanyang phone.
“Baka gabihin po ako. Kasama ko pa po ang mga friends ko. Bakit po nandyan? Pakisabi na lang po na umuwi na siya at baka umagahin po ako.” Tumalikod ito sa akin kaya itinakip ko na ang kumot sa katawan ko.
“Ganoon po ba? Okay po, Dad. Sige po. Magpapaalam lang po ako para makauwi po agad. Bye, Dad.” Tapos na silang mag-usap at saka siya lumapit sa akin.
“Magbihis ka na. Isuot mo ang damit mo kanina. Hihintayin kita sa baba.” Iniwan na niya ako rito sa kwarto.
Ang gulo niyang kausap. Kanina pina-akyat niya ako at sinabi niyang isuot ko ang damit na nasa kama. Ngayon naman ay magpalit ulit ako at isuot ko naman ang damit ko kanina.
Pero mas gusto ko na isuot ko na lang ang damit ko kanina. Kapag pinagpalit pa niya ako ay hindi na ako susunod sa kanya. Bahala na siya.
Mabilis akong nakapagsuot ng damit ko. Bumaba na rin ako at baka pauwiin na niya ako.
“Maupo ka muna,” sumunod naman ako sa sinabi niya.
“Pwede ba na kapalit ng serbisyo mo ngayong gabi ang sagutin mo ang mga katanungan ko?”
“Depende sa tanong mo ang sasagutin ko. Pwede akong sumagot at pwede rin hindi. Hindi ko na kasalanan siguro kung ayaw mong pagsilbihan kita sa kama.”
“Saan ka tumutuloy? Ihahatid na kita.”
“Hindi na po. Marami naman taxi sa labas.”
“Kumusta ang Mama mo? Alam ba niya ang trabaho mo?”
“Okay lang po ang Mama ko, Sir.”
“Bebeng, ako si Shao. Bakit ba paulit-ulit ka sa katatawag sa akin na Sir?”
“Binayaran mo ako at pagsisilbihan kita kaya tama lang na tawagin kitang Sir.”
“Ngayon, sinasabi ko na Shao lang ang itatawag mo sa akin. Nag-usap kami ni Madam na babayaran kita gabi-gabi at dito ka na tutuloy kaya nasa iyo ang duplicate keys ng bahay na ito. Pwede ko ba makuha ang number mo?”
“Wala po akong number. Sabihin na lang po ninyo kung anong oras ako dapat dumating dito at pupunta ako sa oras na sasabihin mo.”
“Eight o’clock ang pasok mo sa club, tama ba? Ganoong oras din kita aasahan na darating dito sa bahay, Kailangan ko lang umalis ngayon ng maaga kaya papauwiin na kita. Pwede pa kitang ihatid.”
“Kaya kong magbyahe. May bayad ka naman kaya may pambayad din ako sa taxi.” Sagot ko sa kanya. Hindi na niya ako kailangan pang ihatid dahil ayaw kong malaman niya kung saan ako / kami nakatira.
“Wala na ba tayong pag-uusapan? Aalis na ako.”
“Wala na.” sagot naman niya sa akin.
“Uuwi na ako.” Wika ko lang sa kanya at tumayo na ako. Wala ng dahilan pa para magtagal pa ako.
“Bebeng,” tawag nito kaya napatigil ako. Nilingon ko siya na may tingin na nagtatanong.
“Mag-iingat ka.” Pahabol niyang bilin. Matagal kaming nagtitigan, nang biglang tumunog na naman ang phone niya. Sumenyas na lang ako na aalis na ako.