BEBENG’s POV Pumasok na kami sa bar ni Shao. May live band na kumakanta at ang mga waiter ay paroot parito sa mga table. May mga table sa paligid at may bakanteng lugar sa may gitna na nagsisilbing dance area. May mga taong sumasayaw ngayon sa gitna, at medyo mabilis ang tugtog kaya may kabilisan din ang sayaw. May sumalubong naman sa amin para i-assist kaming mag-asawa. “This way, Ma’am and Sir,” itinuro pa ng waiter ang daraanan namin ni Shao. Table for four ang ibinigay sa aming mag-asawa. Ito na ang pinakamaliit na table rito. Pang-apatan ang ibinigay sa amin, pero sapat na para sa aming dalawa. Naupo kaming magkatabi ni Shao. Ako ang nasa loob dahil wall na ang katabi ko. Si Shao ang nakaharang sa lalabasan ko. Nakatayo ang waiter sa tabi ng table at nagbigay ng mga menu sa ami

