BEBENG’s POV Pumasok ako sa palengke at inaabangan ko rin si Madam Ursula para maka-usap ko siya. Hindi na ako nakapag-paalam pa sa kanya kagabi. Pero tanghali na ay wala pa ito. Siguro marami pa siyang stock sa bahay kaya hindi siya namili. Ganoon pa rin naman ang buhay sa palengke. Maraming namimili s aumaga at sa tanghali naman ay kaunti na. Sa hapon ganoon din pero pagsapit sa hapon ay dumaraming muli kaya minsan ay ginagabi na ako. “Magkano po rito?” pamilyar ang boses na iyon. Magtatago sana ako kaya lang ay nakita na niya ako. “Bebeng?” “Kilala mo po siya, Sir? Parang ngayon ko lang po kayo nakitang namili rito.” Si Jhona ang kumausap kay Shaolyn. “Si Bebeng, kababata ko siya.” Sagot niya kay Jhona. Pero binalingan din niya ako. “Namimili ka?” tanong niya sa akin na si Jhona ul

