BEBENG’s POV “Anak, excited ka yata sa bago mong papasukan? Halos kakahiga mo pa lang ay gising ka na naman.” Sita sa akin ni Mama, pero masaya naman siya. “Syempre po, Ma. First day ko po kaya kailangan po, maagang pumasok ngayon.” Nakangiti ko namang sagot sa kanya. Tapos na akong maligo at nakabihis na ako. Pants pa rin ang suot ko at ang rubber shoes ko. Pero ang pang-itaas ko ngayon ay hindi maluwag na t-shirt kundi blouse na makikita na ang hubog ng katawan ko. Kailangan kong magdamit ng ganito para maging kaakit-akit naman ako sa paningin ng aking mahal. Praktisado ko na ang pagtawag sa kanya. Gagawin ko ang lahat ng nakasulat sa kontrata. “Ma, kumain na po muna kayo. Papatingnan ko na lang po kayo sa kapitbahay natin. Magpapabili na lang din po ako ng pagkain po ninyo para s

