SHAO’s POV May umaaligid din pala sa aking mahal. Hindi naman imposible iyon dahil maganda ang aking Bebeng. Mas lalo siyang magugustuhan kung lubos siyang kilala dahil sa taglay niyang kabutihan. Iyon ang bagay na nagustuhan ko noon pa man. Sabi nga nila, marami raw akong nagugustuhan nung mga bata pa kami. Makita ko lang na maganda at cute, type ko na. Nagbago lang ang ganoong pananaw ko ng maging magkalapit kaming dalawa ni Bebeng. Sa araw-araw naming pagsasama ay nakilala ko siya. Mabuti siyang tao at tunay siyang kaibigan, hindi lang sa akin kundi sa iba pa naming nakakalaro sa club house. Nakita ko ang katangian niyang iyon at nagsumiksik na sa aking isipan na ganoong klase ng babae ang gusto kong makasama sa habambuhay. Nagkalayo kaming dalawa kaya marami ang nagbago. Ang pa

