SHAO’s POV Dinala ko si Bebeng sa Mall. May magagawa naman kami sa bahay, iniiwasan ko lang na matukso sa kaniya dahil may masakit pa siya. Ayaw kong sumakit din ang puson ko, dahil hindi ko magawang i-release ang nararamdaman ko. “Mahal, ibibili kita ng phone para hindi na ako kay Ezra magpapadala ng message. Kung makita man ni Tita ang phone, pwede mong sabihin sa kaniya na ibinigay ng amo mo, para mabilis kang matawagan. Gumawa ka na lang ng dahilan. Isipin mo pati na regalo ko ito sa iyo dahil masunurin ka.” Hindi na siya siguro tatanggi pa ngayon dahil may dahilan na at may maisasagot na siya sa Mama niya. “Shao, mahal, wala naman akong paggagamitan niyan. Sayang naman.” “Hindi iyan masasayang. Gusto kong mayroon kang phone para makausap pa rin kita, bago matulog at pagkagisin

