KABANATA 15

2526 Words
MAKALIPAS ang siyam na taon... Nagising ako dahil sa nakakasilaw na sinag ng araw mula sa naka-awang na kurtina ng bintana sa aking kwarto. Bumangon ako at umupo muna sa aking kama. Saka nagsalin ng tubig mula sa babasaging pitsel na nakapatong sa maliit na mesa na naroon sa tabi ng aking kama. Ininom ko iyon at inubos ang laman ng baso. Kinuha ko ang aking cellphone na nakapatong sa bedside table saka tiningnan ang messages doon. Pagkatapos ko roon ay bumaba na ako sa kama at kumuha ng tuwalya sa closet at naglakad papasok sa banyo. Pagkalabas ko roon ay basa na ang aking buhok at nakatapis na ako ng tuwalya. Nagbihis ako ng damit na komportable at presko lalo na at summer ngayon. Pagkatapos kong makapag-ayos ay lumabas na ako sa aking kwarto at bumaba. Ginamit ko ang elevator upang mas madali akong makababa at agad kong hinagilap ang aking pamilya. Agad ko naman silang nakita sa isang malaking pabilog na mesa sa ground floor. Abala ang lahat sa pag-aalmusal at ako nalang pala ang wala roon. "Good morning..." nakangiting pagbati ko sa kanila. Agad naman nila akong nilingon. "Good morning anak." nakangiting tugon ni Mommy. "Do you want me to make you juice?" "No mom, ako na po, thanks." nakangiti ko parin sabi saka umupo sa bakanteng upuan. "Do you want bacon and egg also anak?" alok ni Dad. "Yes dad thanks." sagot ko at agad na tumawag si daddy ng waiter upang ikuha ako ng almusal ko. Kumuha ako ng tasa at nagtimpla ng sarili kong kape. Habang hinihintay ang aking pagkain ay dinudutdot ko ang aking cellphone. "Lham anak, nakapag-enroll ka na ba? Next week na ang pasukan." Maya maya ay tanong ni Dad. "Yes po Dad, kagabi lang po ako nag-enroll online." tugon ko. "What strand did you take?" tanong naman ni Mommy. "STEM po mommy." Maya maya lamang ay dumating ang aking almusal. Agad ko iyong kinain at nang matapos ako roon ay lumabas muna ako saglit patungo sa dalampasigan upang maglakad at lumanghap ng sariwang hangin. Naglakad ako patungo sa walang mga tao katulad ng aking nakasanayan. Umupo ako sa buhangin. Maganda ang panahon at hindi pa matindi ang sikat ng araw kaya napakagandang magmuni-muni roon. Palagi kaming naroon sa Siargao kapag bakasyon at kapag nagsasawa na kaming libutin ang mundo. Sa sunod na linggo ay kailangan na naming bumalik sa Maynila upang makapaghanda sa nalalapit na pasukan. Naglagi pa ako roon ng ilang minuto. Kumuha pa ako ng sapin upang makahiga ako at mamasdan ang bughaw na kalangitan. Dahil sa haplos ng hangin ay hindi ko napigilang mapapikit at maidlip. Ilang sandali lang ay napakunot ang aking noo nang makarinig ng isang tumatawag na lalaki. "Lham!" Napamulat ako nang mabosesan ko iyon. Sigaw iyon ngunit mahina sa aking pandinig. Agad akong napabangon at hinagilap ang kung sino iyon ngunit wala sa magkabilang gilid ko ang tumatawag na iyon. "Hoy Lham!!" Doon ko natagpuan ang tinig niya. Malakas na iyon dahil papalapit na siya sa akin. Tumayo ako at nakapameywang na nag-abang sa kanya. Sinipat ko pa ang sinasakyan niya habang ang isa kong kamay ay nakalagay sa aking noo upang labanan ang silaw. Doon ko napagtantong ang aming yate ang kanyang sinasakyan. Tuloy ay kunot noo akong napatingin kina Mommy na papalabas ng hotel. Hindi man lang nila sinabi na pupunta dito ang lalaking 'to. Ilang saglit pa ay nakadaong na ang yateng sinasakyan niya. "Lham!" Napabuntong hininga nalang ako sa pagmamadali niyang makababa ng yate. Halatang excited at tuwang tuwa na makarating sa aming isla. Agad namang bumuntot ang mga bodyguard niya na inalalayan pa siyang bumaba. "Anong ginagawa mo dito, Prince?" salubong na kilay kong tanong sa kanya. Agad namang tumikhim ang isa sa kanyang bodyguard na animo'y may mali sa tanong ko. Inirapan ko nalang ang mga ito. Agad naman niyang tinaboy ang mga ito palayo sa amin upang ako'y kanyang masolo. "So ano ngang ginagawa mo dito? Kelan ka pa dumating?" ulit kong tanong. "Siyempre, nais kong makita ang inyong isla at makapamasyal narin dito. Noong isang araw lang ako nakarating at nagpasya agad akong pumunta rito." "Next week na ang pasukan diba? Alanganin na ang bakasyon mo." "Kaya nga nais kong sulitin ang natitirang araw upang makapagliwaliw ako rito bago ang pasukan." Napabuntong hininga nalang ako. Itatanong ko sana kung sina Mommy ang nagpapunta sa kanya roon pero saktong nakalapit na ang mga ito at bumati sa kanya. Niyaya nila itong pumasok sa hotel kasama ang mga bodyguard nito kaya naiwan akong mag-isa. Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Matagal ko nang kilala si Prince. At walang kasing kulit ang taong ito. Mula school ay hindi ko akalaing susundan niya pa talaga ako rito sa aming isla. Pagkapasok ko sa hotel ay naroon sila sa malaking mesa. Sinasabayan ni Prince ng pagsasalita ang kanyang pagkain at hindi ko mapigilang mapabuntong hininga. "Lham, ihatid mo si Prince sa kanyang kwarto pagkatapos niyang kumain." utos ni Mommy pagkakita sa akin. Niyaya naman niya ang dalawang bodyguard sa ibang mesa at doon pinakain ng almusal. "Okay..." walang ganang tugon ko na kay Prince ang tingin. Ngumiti ito habang puno ang bibig. "Sabayan mo akong kumain, Lham." Anito. "Nakapag-almusal na ako Prince, salamat." Umupo nalang ako sa bakanteng upuan sa harap niya at naghintay na siya ay matapos sa kanyang pagkain. "Nakapag-enroll kana ba?" maya maya ay tanong ko. Nilingon niya ako at nilunok muna ang laman ng kanyang bibig bago ako sinagot. "Hindi pa... Dahil hindi mo pa sinasabi kung ano ang kinuha mong kurso." "Strand." pagtatama ko. "Hindi ba't pareho lang iyon?" kunot noong aniya. Umirap nalang ako. "Whatever. By the way, kaka-enroll ko lang kagabi and I took STEM." "Sige, sasabihan ko sila na iyon rin ang kunin nila para sa akin." Pumalatak ako. "Wala ka bang laptop? Cellphone? Ba't hindi nalang ikaw ang mag-enroll sa sarili mo?" nakataas na kilay na sabi ko. Napanguso siya. "Alam mo namang hindi pa ako lubusang marunong sa mga bagay na iyon." Nasapo ko ang aking noo. "My God, Prince. Magse-senior highschool kana pero hindi ka pa sanay sa gadgets?" Napabuntong hininga siya. "Alam mo naman na hindi nila ako papayagang masanay sa paggamit niyon. Nagagamit ko lamang ang mga iyon kapag talagang kailangan." Sabagay may punto siya. Hindi siya hahayaan ng mga magulang niya masanay sa teknolohiya. Nang matapos siyang kumain ay umakyat kami sa ikalawang palapag upang siya ay ihatid sa kanyang magiging kwarto. Nang makarating kami roon ay siya namang pagsunod ng mga bodyguard nito dala ang kanyang mga gamit at agad na ipinasok sa kwarto. Lumabas din ang mga ito pagkatapos. "Nasaan ang kwarto mo?" tanong ni Prince. Inginuso ko ang itaas bilang tugon na kinunutan niya lang ng noo. "Upper floor." sabi ko saka akmang lalabas na. "Nais kong maligo sa dagat. Maari mo ba akong samahan?" nakangiti siya nang lingunin ko. "Ayuko ikaw nalang.." tanggi ko. Napanguso siya. "Bakit ayaw mo? Hindi ka naliligo ng dagat?" "Nakapag-shower na ako eh." "E di maligo ka parin. Samahan mo ako Lham, sige na.." pamimilit niya na sinamahan pa ng pag-puppy eyes. Umikot ang mata ko pagkuway bumuntong hininga. "Sige na, oo na." "Yes!" tuwang aniya. "Saglit at magpapalit lamang ako ng aking isusuot pang-ligo." Natigilan nalang ako nang bigla niyang hinubad ang kanyang damit pang-itaas. Tila napatda ako sa gulat at napatitig nalang sa kanyang katawan. Hindi man ganoon kalaki ang kanyang katawan, nakadagdag parin iyon sa kanyang kakisigan. Dahil sa kanyang edad, kahit hindi man niya sadyaing magkaroon ng muscles ay may panaka-nakang muscles at abs ang kanyang katawan. Ngayon ko lang ulit siya nakitang mag-hubad kaya naman para akong tuod at di makagalaw. Maya maya ay akma na nitong bubuksan butones ng kanyang pantalon kaya nanlaki ang mata ko. "Wait!" gilalas ko na naipikit pa ang aking mga mata. Mabilis akong tumalikod sa kanya at naglakad palabas. "M-Magpapalit narin ako, magkita nalang tayo sa labas.." sabi ko at agad na isinara ang pinto. Napahawak ako sa aking dibdib at napailing. Nilingon ko ang nakasarang pinto ng kwarto nito at marahas na nagpakawala ng hininga. "Until now, isip bata parin tsk!" bulong ko habang naglakad patungo sa elevator. Nang makarating ako sa aking kwarto ay agad din akong nagbihis ng aking swim suit. Pinili kong isuot ang Rashguard two piece swim suit. Long sleeve hanggang itaas ng aking pusod ang pang-itaas ko at short naman sa ibaba. Kahit 18 na ako ay hindi ako komportable sa bikini. Nang matapos ako ay agad din akong lumabas. Pagkalabas ko ng hotel ay naroon na si Prince na naka-sando at trunk, at nakangiti akong sinuyod ng tingin. "Handa na ako..." "Ok let's go." anyaya ko. Naglakad kami patungo sa tabing dagat na walang mga tao. Pinili naming manatili sa mababaw na tubig at mukhang ayos din naman iyon kay Prince na noon pa man ay alam ko nang hindi kayang lumangoy sa mas malalim na tubig. Isang beses na lumangoy si Prince saka muling bumalik sa aming pwesto. Ako naman ay inilubog lamang ang sariling katawan hanggang sa mabasa ng tuluyan. "After ng senior-high. Dito mo parin bang balak mag-college?" pagkuway tanong ko kay Prince nang abala sa paglalaro ang mga bata. Tumaas ang itaas niyang labi at tila nag-isip. Sinuklay niya ng kanyang mga daliri ang kanyang buhok mula noo pataas upang mahawi ang nagkalat niyang buhok. Bahagya kong nakagat ang aking labi nang sa pag-angat na iyon ng kanyang braso ay nag-flex ang kanyang muscle. Awtomatikong napakunot ang aking noo hindi dahil sa kanya, kundi sa aking sarili. Bakit biglang naging ganoon ang reaksyon ng aking katawan? Saglit akong humanga sa kanyang itsura. Sobrang lakas ng dating niya kapag basa ang kanyang buhok. Sa tagal ng panahon na aming pinagsamahan, ngayon ko lang talaga napansin ang kakisigan niya. Kaya naman pala ganoon nalang ang mga kababaihan sa aming school noon na sobrang nahuhumaling sa kanyang kagwapuhan. Kapag siya ay iyong tititigan, una mong mapapansin ang kanyang mga magagandang mata. Singkit at kulay brown ang mga iyon. Iyon ang pinakamaganda niyang katangiang pisikal na dinadagdagan naman ng matangos nitong ilong at manipis na labi na kapag kanyang kinakagat ay nagkukulay rosas. Ngunit dahil palagi kaming magkasama, tila nakasanayan ko na iyon at hindi masyadong binigyan ng pansin. "Ang totoo ay hindi ko pa alam. Nasa kanila parin ang desisyon kung mananatili parin ako rito." Tumango na lamang ako matapos magising sa pagkakatulala sa kanya. Hindi ko alam kung ilang segundo ba akong nakatitig sa kanya kanina at kung napansin niya ba iyon. Nagtaka lang ako bigla sa aking sarili kung bakit bigla akong nagka-interes na titigan ng ganoon katagal si Prince gayong matagal ko na siyang kilala. Dahil ba sa 18 years old na ako at nagiging mature na akong mag-isip? Lihim kong ipinilig ang aking ulo at ibinaling na lamang ang tuon sa tubig. Ilang minuto pa kaming nag-stay doon bago namin napagpasyahan na umuwi na. MAAGA AKONG NAGISING kina-umagahan upang maghanda sa pagpasok sa school. Unang araw namin sa senior-high at gusto ko na agad malaman kung anong itsura ng aming building. Agad akong nag-toothbrush at naligo. Pagkatapos kong makapag-bihis at makapag-ayos ay bumaba na ako at nagtungo dining table para makapag-breakfast. "Good morning Mom and Dad!" nakangiti kong bungad sa kanila. Si Mommy ay abala sa paglalagay ng mga pagkain sa mesa habang si Daddy naman ay nagbabasa ng dyaryo. "Good morning anak. Maganda ba ang tulog mo?" ani Mommy. Binigyan ko siya ng halik sa pisngi. Ganoon din si Daddy. "At mukha ring excited." "Ofcourse Dad, senior highschool na ako. After that, college naman--ugh I can't wait." sabi ko na umupo na at nagsalin ng kaunting fried rice, sunny side-up egg at sausage. Bahagyang natawa si Daddy at tila nahawa naman si Mommy na umupo narin sa hapag. "Excited ka na bang matapos sa college para hindi mo na makita si Prince?" Sumimangot ako. Dahil iyon ang totoo. May bahagi ng utak ko na gustong matapos na ang lahat ng ito para hindi na muli kaming magkita ni Prince. Lihim ko ring ipinanalanging huwag na siyang mag-take ng college dito para hindi ko na kakailanganing magtiis ng ilang taon. Ngunit bakit nga ba bigla nalang akong nagkaganito? Noon ay wala lang sa akin ang presensya ng lalaking iyon. Pero ngayon, bigla bigla nalang akong nagkakaroon ng kakaibang pakiramdam kapag nasa tabi ko siya. Ipinilig ko ang aking ulo. Kanina lang ay excited na akong pumasok, ngayon ay tila ayaw ko na dahil siguradong magkikita kami ng lalaking iyon. Napabuntong akong inilapag ang aking kubyertos. "It's unfair.." reklamo ko. "Kung bakit kasi ganoon pa ang kailangan kong gawin?" "Lham..." mahinahong pagsaway ni Mommy. "Biruin mo, it's been 8 years at hanggang ngayon kailangan ko paring bantayan ang lalaking iyon..." "Wala tayong magagawa doon anak, kailangan nating sumunod." ani Daddy. Sa mga ganoong mga rason nila Mommy at Daddy ay sadyang wala narin akong magagawa. Sunod sunuran nalang kami sa itaas. Kasalukuyan akong nagdudutdot ng aking tinidor sa aking plato nang biglang may bumusina sa tapat ng aming bahay. Napakunot noo na lamang ako nang mapamilyaran ang tunog na iyon. Agad akong lumabas at tama nga ang hinala ko. Kalalabas niya lang sa kanyang kotse at kumakaway pang lumapit sa akin. "Nanaman?" maktol ko na inilahad pa ang dalawang kamay sa ere. "Bakit? Nagsasawa ka na bang kasama ako?" "Oo!" mataray na angil ko. Mabilis na lumapit ang kanyang mga bodyguard at tinaliman akong ng tingin. Hindi ko iyon pinansin at kulang nalang ay maglupasay ako sa inis. "Look,.." pinilit kong pakalmahin ang sarili. "Hindi naman kailangan sa lahat ng oras ay magkasama tayo. Ang usapan ay sa school lang tayo kailangang magkasama.." "Hindi mo ba alam na hiniling ko sa kanila na dapat tayong magkasama ano mang oras?" "Ano?!" sadyang nalakasan ko pa ang aking boses dahil sa gulat. Ngumiti lang siya at tumango tango na mas lalo kong kinainisan. Tinuro ko ang kotse ko sa garahe. "So ano pang silbi ng kotse ko, ilang beses kong hindi nagagamit iyan dahil palaging gusto mong sabay tayong pumasok at umuwi. I thought now that we're senior high, hindi mo na ako ihahatid-sundo." "Well, you got it wrong.." aniya pa na ngumisi. Ngayon ko lang uli siyang narinig mag-english. Ayaw kasi nito sa ganoong lenggwahe. Napasapo ako sa aking noo. "So, balak mo talaga akong ihatid-sundo nanaman buong taon?" pangu-ngumperma ko pa kahit na alam ko na ang sagot." "Hehe, tama..." "Grr! Pano kung ayaw ko?" matapang kung tanong. Naglakad siya palapit sa akin at namulsa. "Kung ganoon ay hindi ka makakapasa..." "What?" salubong na kilay na saad ko. Tila tumaas ang dugo ko sa inis. "After all this years na ginawa ko para lang bantayan ka, masasayang lang iyon dahil sa pagtanggi ko sa pagsabay sayo sa kotse mo?" Tumaas ang gilid ng kanyang labi. "Nakalimutan mo na bang sa akin nakasalalay kung maipapasa mo ang iyong misyon..." Saglit kong naipikit ang aking mga mata. "Misyon..." naibulong ko kasabay ng pagtango ko ng ilang ulit. Ngayon ko lang muli narinig at nasabi ang tungkol sa misyon. At mukhang pinagsisisihan ko nang tanggapin ang bagay na iyon walong taon na ang nakararaan...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD