Avril Nauna na itong lumabas at naka sunod lang ako sa kanya habang hila hila ko naman ang aking dalang maleta. Kainis naman kasi eh. Feeling ko tuloy para lang ako nag bakasyon ng 1 Linggo sa condo ko. Ano na naman kaya ang iniisip ng bruhang ito at pinabalik ulit ako sa bahay nya? Mukhang kakawawain niya lang naman ako doon. Bakit ba hindi niya na lang ako pabayaan? Pinalayas ako tapos pupunta punta dito sa condo ko na parang sino at basta na lang mag uutos na bumalik ulit ako sa bahay niya. Maayos na ako. Bigla na lang susulpot at mang gugulo. Kaasar lang talaga tong matandang ito. Kala mo naman kasi kung sino kung makapag utos. Sarap ipalapa sa bwaya. Hayst ewan ko ba naman sa mga magulang ko kung bakit dito pa nila ako ipinakasal sa isang matandang bruhang diyosa. Buti na lang

