Avril Maaga akong nagising ngayong araw ng sabado. Nag text kasi sa akin kagabi si Julian na mag gagala daw kami ngayon dahil medyo matagal na raw kasi kaming di nakapag bonding. Nagtatampo na nga sa akin ang isang iyon. Mula kasi ng sapilitan akong pinabalik dito sa kanyang bahay ni Ma'am Jane ay di na ulit kami nag kita kaya naman nag tatampo na daw talaga siya sa akin. Bantay sarado kasi ako ng bruha kaya hindi ako basta makaalis na lang basta. Parang imbestigador pa kung makapag tanong ng mga pupuntahan ko. Akala mo naman may gagawin akong hindi maganda. Kaya tuloy napa oo na lang ako kaagad dito kagabi ng mag simula na itong konsensyahin ako. Di na lang ako magpapaalam kay Ma'am Jane. Dahil panigurado naman na di ako papayagan na umalis nun. Lalo pa pag nalaman nya na si Julian

