Jane Magaan ang pakiramdam na nagising ako. Ang ganda kasi ng panaginip ko. Agad ko naman ginala ang aking mata at tinignan ang katabi ko. Pero biglang nangunot ang aking noo ng mapansin na wala na ito sa kanyang higaan. Don't tell me umalis nanaman sya? Dahil kung oo ay itatali ko na talaga siya dito sa bahay. Inuubos nya na masyado ang pasensya ko ha. Pasalamat nga siya sa akin kagabi at ang pag bato ko lang ng phone nya ang nangyari sa kanya. Dahil kung hindi ay puputulan ko na talaga sya. Pero mautak din ito dahil niyakap ako kagabi. Alam ko naman kung bakit para nga naman hindi ko siya masampal. Nag iisip din pala ito minsan. Inis na bumangon na ako sa aking kama at nag tungo na sa cr upang gawin ang aking daily routine. After ko sa cr ay lumabas na ako ng kwarto at tuloy tu

