Avril Nandito ako sa kwarto ko at nag papahinga saglit. Iniisip ko kung ano ang magandang approach ang gagawin ko. Balak ko na kasing magsabi ng nararamdaman ko sa asawa ko. Pati mag papaalam na rin ako dito na liligawan ko na sya. Dapat kasi talaga noon ko pa ito sinimulan. Kung kailan naman na ilang buwan nalang at matatapos na ang isang taon ay saka naman ako nagkaroon ng lakas ng loob na magtapat dito. Habang naka tulala lang ako na nakatingin sa kawalan ay naka rinig na lang ako ng katok. Agad naman akong tumayo upang alamin kung ano ang kailangan ni Jane. Inayos ko muna ang aking sarili bago nag mamadali na binuksan ko ang pinto. "Ano po yun Ma'am?" Magalang na tanong ko dito. Pansin ko naman agad na naka pan lakad ito. Mukhang may pupuntahan ata ang mahal ko ah. "Mag pap

