Jane Halos di ako makapaniwala sa mga pinag tapat sa akin ni Avril ngayon. Imagine mahal na pala ako nito matagal na pero ngayon lang sya nag lakas ng loob na umamin sa akin. Sabagay di ko naman sya masisisi dahil may boyfriend pa ako noon. Tsaka baka takot din ito na mag tapat agad. Lalo oa nga at hindi kagandahan ang pakikitungo ko sa kanya. Akala ko ay crush lang ako nito. Pero mahal na pala niya ako. Di ko naman maiwasang matuwa sa mga pinag tapat nito. Magkapareho lang pala ang aming nararamdaman para sa isat isa. Di ko na pala kailangan na paibigin pa ito. Dahil nga diba mahal nya na ako. Hay buti na lang talaga at di ko na kailangan na mag hirap pa. Papatunayan ko na lang sa iyo kung paano magmahal ang isang Jane San Gabriel. Para mas lalo pa ako nitong mahalin at hindi si

