Chapter 8

1084 Words
Avril Quarter to eleven na nang makauwi ako sa bahay ni Ma'am Jane. Pansin ko sa labas na patay na ang ilaw sa loob ng bahay. Malamang ay tulog na siguro ito. Dahan dahan na binuksan ko na ang pintuan upang di maka gawa ng ingay. Baka kasi magising pa ito ay mahirap na mapagalitan pa ako. Kaya maganda na iyong nag iingat. Nang maisara ko na ang pintuan ay siya namang pagbaha ng ilaw at isang nanlilisik ang mata at galit na galit na Ma'am Jane ang aking nakitang naka tingin sa akin ngayon. Di ko maiwasang mapa lunok at medyo mamutla dahil sa takot ko dito. Bakit gising pa siya? Hinihintay ba ako nitong dumating? "Saan ka galing at bakit ngayon ka lang?!!! Uwe ba ito ng isang matinong may asawa ha!!!???" Sigaw nito sa akin na galit na galit. Bigla naman akong pinagpawisan ng malamig. Pati nga ang mga kamay at kili kili ko ay namamawis na rin dahil sa takot dito. "Na--nag ma-mall po ka-kasi kami ni Stephanie Ma'am Jane, tsaka na nood na din po ng sine." Utal na paliwanag na ko dito na di makatingin dito ng diretso. Nakakatakot kasi itong tingnan para pa nga itong kakain ng buhay. Nanunuring tinignan naman ako nitong mabuti na parang sinisigurado kung nagsasabi ba ako ng totoo sa kanya o hindi. Mukha ba akong hindi mapagkakatiwalaan at ganyan makatingin sa akin itong si Ma'am. Maya lang ay lumapit ito sa akin ng sobrang lapit na halos amoy ko na sya. Bigla na lang nitong inamoy ang aking leeg pati na rin ang aking suot na damit. May lahi ba siyang aso at ganyan siya maka amoy?. Medyo na hiya pa nga ako kasi nga kaninang umaga pa kaya itong suot ko. Kaya di ko alam baka maasim na ako at amoy pawis pa. "Sino ang mga kasama nyo ni Stephanie?" May pagdududa pa ring tanong nito sa akin. "Kaming dalawa lang po Ma'am." Kabadong sagot ko dito. "Siguraduhin mo lang na hindi ka nambabae ha. Kasi pag nahuli kita ay puputulin ko sa iyo ang lahat ng pwede kong putulin." Babala naman nito sa akin at tumalikod na at naglakad ng palayo. Di ko naman maiwasang biglang kabahan at hawakan si little Avril ko. Naku patay ka, di pa tayo nakakapag palahi ay mapuputol ka na ng di oras. Naiiling na pinatay ko na rin ang ilaw at umakyat na sa taas at ng makapagpahinga na rin. Napagod din ako ngayong araw na ito kaya nag half bath na lang ako at tuluyan ng nahiga sa aking kama. Di ko maiwasang isipin ang katatapos lang na nangyari sa baba kanina. Katakot pala talaga itong magalit. Kaya ngayon ay dapat mag papaalam na ako dito pag may pupuntahan ako. Para di na ito magagalit pa sa akin. Kahit ba sinabi na nito na walang pakialaman ay mag sasabi na lang ako lagi dito para iwas gulo. Mahirap na at baka pati si little Avril eay madamay pa kapag nagalit ito sa akin. Katakot pa naman lalo na pag nag sasalubong na ang mga kilay nito na ang sarap ahitin. Kinabukasan. Maaga ulit akong bumangon at balak kong mag jogging ngayong araw na ito. Gusto ko kasing ma familiarize dito sa lugar ng asawa ko. Malay nyo may mga naligaw pala akong mga kakilala dito eh di may matatakbuhan ako agad pag inaway ako ng asawa ko diba. Mas maganda na iyong lagi tayong handa. Hindi kasi natin alam kong kailan susumpungin ng kanyang sakit itong si Ma'am Jane. Kaya habang maaga pa ay mag handa na diba. Nakasuot lang ako ng shorts at sando mas comfortable kasi ako sa ganitong getups pag nag jojogging ako. Hindi naman kasi ako pwede na mag leggings at panigurado na mahahalata ang akong tinatago. Ayaw ko naman mag suot ng jogging pants at naiinitan ang legs ko doon. Nagsuot na rin ako ng white Sneakers ko pinusod ko na lang ang aking mahabang buhok saka kinuha ang aking wireless headphones at lumarga na para lumabas ng kwarto. Five pa lang naman ng umaga kaya malamig pa ang simoy ng hangin ng ako ay makalabas ng bahay ni Ma'am Jane. Nag simula na rin akong tumakbo hanggang makarating ako sa may bandang plaza nila dito sa subdivision. Medyo may mga paunti unti na rin akong nakasalubong na mga nagjo jog na katulad ko rin na mag isa lang sila. Nagpahinga rin ako pansamantala sa nakitang kong bakanteng bench dito sa plaza. Buti na lang at naka pagdala ako kahit papano ng tubig ko. Pawisan na rin ako halos 30 minutes ba naman na tumakbo ako ng walang tigil eh. Pakiramdam ko tuloy para akong sumali sa marathon. Habang ako ay nag papahinga ay may biglang lumapit sa akin na magandang babae. Mukhang kaedaran ko lang ata siya. "Hi!" Bati nito sa akin. "Mukhang bago ka lang ata dito? Ngayon lang kasi kita nakita dito eh." Sabi nito sa akin nang naka ngiti. "Oo kakalipat ko lang dyan sa may west side nitong subdivision nyo." ngiti kong sabi dito. Mukha naman kasi itong friendly eh. "Ah kaya pala. Saan ka nga pala doon banda? Doon din kasi sa west side ang bahay namin eh." Tanong naman ulit nito sa akin. "Dyan lang kay Miss Jane San Gabriel." Ngiti kong sagot sa kanya. "OMG mag kapit bahay lang pala tayo eh. Sa amin bahay iyong kulay maroon ang gate." Kwento pa nito sa akin. Di ko naman maiwasang matuwa sa aking nalaman. Mukhang may magiging friend na ako kaagad dito ah. Napa swerte ata ang labas ko ngayon at nagkaroon ako agad ng kakilala dito. "Kaano ano mo nga pala si Miss Jane? Ay ano ba yan. Kanina pa tayo nag uusap eh di pa pala ako nakakapag pakilala sa iyo. Ako nga pala si Michelle Robles." Pakilala nito sa akin sabay lahad ng kanyang kamay. Agad ko naman itong inabot at nag pakilala na rin dito." Avril Del Carmen nga pala." Sabi ko naman dito.. "Oh ano tara na jogging ulit ng makapag ikot pa tayo ng konti bago sumikat ang araw. Maya nyan ay mainit na dito." Pag aaya nito sa akin na kaagad kong sinang ayunan at baka mag tanong na naman ito about sa amin ni Ma'am Jane. Agad naman na kaming tumakbo ulit. Pero ngayon ay medyo alalay na lang ang aking ginagawa. Nag kwekwentuhan kasi kami habang tumatakbo. Buti nga at di na nito inulit ulit kung kaano ano ko si Ma'am Jane.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD