Agatha Beatrix's POV Nakatitig lamang ako sa kapeng nasa harapanan ko na mas malamig na sa bangkay ngayon. Ilang oras na kong nakaupo sa star bucks na 'to pero hindi ko pa rin nababawasan ang kape ko. Nagpahatid lang ako sa tauhan ni Nicolas at sinabing balikan na lang niya ko dito paglipas ng tatlong oras. Gusto ko munang mapag-isa at mag isip-isip sa mga bagay na narinig ko mula sa kaibigan ni Nicolas. Sasabog na ang utak ko sa dami kong katanungan at hindi ko alam kung kanino ba ko dapat na lumapit para lang masagot ang mga tanong ko. Hindi pwedeng tanungin ko ang mga kaibigan niya dahil alam kong hindi nila ko sasagutin. Nasa kaibigan nila ang kampi ni at wala sa akin. Hindi ko rin naman pwedeng tanungin si Ayeza dahil wala siyang isasago sa mga tanong na kanina pa gumugulo sa ulo

