HERA POV Nagluluto kami ni Jasmine habang sina Martin at Owen kasama si Mirabelle na masayang naglalaro sa may dalampasingan. Sa kalagitnaan ng aming pagluluto, bigla akong kinabahan, kaba na hindi ko mawari. Napatigil ako at hinawakan Ang aking dibdib, napansin ata ni Jasmine ang pagkabalisa ko kaya bigla niya akong tinapik sa kamay "Hey are you okey? Sumasakit ba Ang puso mo?" nag-aalalang tanong ni Jasmine sa akin, umoling lang ako "Don't mind me" "anong klaseng sagot yan ha? Anong don't mind me ka diyan, Hera naman kanina kapa pahawak-hawak diyan sa dibdib mo, paano naman na di kita intindihin ha. I know something is bothering you. Tell me is your heart in pain again?" Napatingin ako sa gawi niya, at nakita ko ang pangamba sa mga mata niya, umiiling ako ng bahagya saka pin

