Kabanata 1

2635 Words
Chapter 1: Anak ni Kapitan (Before the Scene in Prologue) (Hunyo 7, 2020 alas-otso ng umaga) Umagang-umaga ang naririnig ko ay ang sigawan sa ibaba ng bahay. Taena naman! Wag mong sabihing may nagrereklamo na naman? Ganto lagi ang bungad ng umaga sa akin eh. Laging may away at g**o kaya siguro immune na ako sa mga gantong kaguluhan. Pa-hikab-hikab na bumaba na ako sa hagdanan kahit hindi na ako nag-ayos ng mukha o mag-sepilyo. Dagdag lang yan sa mga pahirap sa buhay ko. Hindi naman ako insecure sa mukha ko dahil kahit ano pa ang ayos ko..ganto parin naman ang galaw ko. Magg-aaksaya lang ako ng oras. Tanggap ako ng Taps ko pwera na ngalang kay Mams dahil ang gusto talaga niya ay may sumunod sa yapak niya bilang beauty queen sa barangay namin. Wala naman rin siyang magawa dahil nung mga maagang buwan ay pinagsasabihan na niya ako pero hindi naman ako nagbabago kaya siguro napagod nadin. Hindi narin ako kinakausap. Matatanggap din ako ni Mams siguro hindi pa ngayon pero soon. "Kapitan naman kase..ito ba namang asawa ko pinagseselosan ang manok namin? Grabe naman yun kap!" Angal ng isang matandang lalaki na may hawak-hawak ng manok sa isang kamay at ang isang kamay ay hawak-hawak ang kamay ng Misis siguro niya. Napa-iling na lang ako sa nakita ko. Dati kasi ganyan pa sina Taps at Mams pero nang nalaman ni Mams na tanggap na ako ni Taps bilang alam niyo na..lalake ay hindi na muli silang nag-usap. Kung mag-uusap man ay kung kakain o aalis na sa bahay. "Aba Kulansing! Hindi ako nagseselos sa manok mo kundi dyan sa katelababad mo dyan sa telepono mo noh! Hindi naman ako ganun patay na patay sayo noh" naiinis na wika nang Misis. Walang pake na dumaan lang ako sa likod nila bago tumungo kay Taps para mag-mano. Aalis na sana ako pero tinawagan ulit ako ni Taps dahilan para lumingon muli ako. "Ano ho?" Bored na tanong ko habang nakatingin sa kanya. Minsan, nawiwirduhan narin ako sa mga tinutulungan ni Taps eh kasi minsan may mga dala na sila na anak nilang lalaki then mag-aaway sila then pag nakita ako ipapakilala ako sa mga anak nila. Psh. Akala ba nila madadala ako ng mga lalaking mukhang aso? Pangarap lang nila. "Mag-uusap tayo pagkatapos ko itong ayusin ang problema nina Kulansing" tumango naman ako kay Taps at nagpatuloy na sa pagpunta sa kusina pero nag-hesitate kung tutuloy pa ba ako nang makita ko si Mams na nakatalikod dahil nagluluto siguro siya ng iba pang ulam. Mabait si Mams at laki sa may kayang pamilya pero dahil mahal na mahal niya si Taps nag-tanan daw sila pero ngayon...parang lumalayo na sila sa isa't-isa. Alam ko namang dismayado si Mams sakin, oo wala akong angal 'don pero sana naman tol, kahit tanungin muna naman niya ako kung magiging masaya ba ako kung magpapaka-babae ako. "Mano po" mano ko sa kanya habang nagluluto siya at hinayaan naman niya ako. "Baka kakain po si Taps mamaya dahil may kausap pa po at Mams, aalis pala po ako mamaya. Pupuntahan ko lang po ang mga tol---" "Ay ano ba yan, nadaplisan ako ng mantika!" Pag-iiba niya ng usapan at dali-dali siyang umalis dahilan para maiwan ako rito sa kusina. Ayan na naman siya. Manggo-ghost din pala kahit si Mams. Ghost pa more. ○○ "Taps, alis na ako" sabi ko kay Taps bago mag-mano atsaka bumaling kay Mams na nanonood ng K-drama sa laptop niya habang kumakain  g mangga "Mams aalis na po ako" magmamano na sana ako ng bigla siyang tumayo pero bago pa siya makalayo ay agad na nag-salita si Taps. "Clarissa, nagpapaalam ang anak mo" mahinahon pero may diin na sambit ni Taps. Aaminin ko, siguro maganda ang genes ko ay dahil maganda at gwapo sina Mams at Taps. Takang tumingin naman sa akin si Mams "Aalis ka? Sige, bumalik ka na agad" kahit iyon lang ang sinabi ni Mams parang may double meaning para sa akin. Ngumiti na lang ako ng tipid kay Taps atsaka umalis na. Wala naman talaga akong gagawin eh. Gusto ko lang umalis ng bahay dahil sobrang boring doon. Mag-uuli si Taps sa buong barangay tapos si Mams...ayun, may kausap na lagi sa telepono. Sabihin niyo na akong maganda pero nararamdaman kong lalake yun eh. "Buset na buset ka?" Tanong na pang-bati sa akin ni Kikay. Inis na umupo ako sa tabi niya atsaka inikot ang mga mata sa buong paligid. Himala nawawala si bakla. "Tol, si Mams" simpleng words lang yan pero alam kong maiintindihan rin nila ako. Ano pa ang silbi ng pagkakaibigan diga? "Ang sarap makipag-away. Putek na yan!" "Tama ka dyan. Sunod-sunod ang problema eh" napatigil naman ako sa pag-inat ng buto sa sinabi ni Kikay. "Problema? Ano naman?" Takang tanong ko at agad naman niya akong tinaasan ng kilay. "Seriously? Wala kang alam? Anak ka ni Kap diba? Where is your connection now? Nasaan ba si baleylay para mai-kwento niya sayo" luminga-linga naman si Kikay sa buong paligid at napatigil lang nang nakita namin si Sandrane na papalapit dito sa aming tambayan sa squatters. "Nakita ko si Bakla.....may kasamang babae" ○○ Kanina pa ako isip ng isip kung ano ba yung problema  na sinasabi ni Kikay sabi naman niya W.O.W raw siya kaya ayaw niyang magsalita. Words of wisdom amputek. "Billing ba sa BATELEC?" Hula ko na naman pero itong siraulong si Kikay pailing-iling pa habang nakain ng tsitsirya. "Taena, ano ba kase? Tinatamad naman akong umuwi sa bahay putek na yan para itanong kay Taps" "Lano, girlfriend mo" sabi ni Sandrane na nagpatigil sa akin. Sinundan ko naman ang tinitingnan niya at hindi mapigilang mapa-irap ng makita ko si Popy. Lalake yan pero sabi babae daw siya at ang putek sinabi pang nabuntis ko siya?! G*go siya! "Puntahan mo na. Mukhang iika-ika. Buntis nga, remember?" Tiningnan ko naman ng masama si Kikay. Taena, buntis? Oo nga mukha siyang buntis. Sa laki ba naman ng tyan niya tapos naka mini-skirt pa siya at naka-up shoulder?! Putek, mukha siyang lumba-lumba. "Fafa!" Malambot na tawag niya sa akin kaya agad akong napatayo upang lumayo sa paglapit niya. Inis na tiningnan ko naman siya pero ang g*go ngumiti pa "Papa manganganak na daw ako this coming week" "Manganak ka ng mga bote ng alak na nilunok mo, g*go. Wag mo nga akong bwisitin at baka maihampas ko ang ulo mo dito sa lamesa" inis na sambit ko pero ang t*nga ngumiti-ngiti pa. "Wala ka nang magagawa...binuntis mo ko!" Kaya ayun, hindi ko na nakaya. May nagawa na naman ako na hinding-hindi ko pagsisihan. "Ano ba yan! Pagoda ako tapos makikita ng beautiful eyes ko na break na ang expensive table na yan?!" Tiningnan ko naman si Baleylay na kakadating lang at kung hindi lang siya nagsalita ng mala-beki language niya ay baka isipin kong lalaki na nga talaga siya. Magaling rin itong magpanggap eh. Lalake sa masyon nila, baklang hipon sa squatters. Langya nga naman. "'Bit nga-ngayon ka lang?" "Ako?" Tinuro pa niya ang sarili. Arte talaga neto ang sarap ingudngod ang nguso sa sahig. "Kase naman pilit akesh ni Dad na i-help si rebel na maarteng si girl don. Mph! Ayoko nang i-remember pa. Sumasakit ang brainy ko!" Sabi pa niya habang hinihilot-hilot ang sentido niya. Arte ng bakla na toh. Bubogbugin ko ito eh pero syempre, kaibigan kaya..exempted. Taena. Naiinis na naman ako sa Popy na ngayon ay nasa stretcher na dahil tinulungan na siya ng iba. Masamang tumingin pa sa akin ang nanay ni Popy pero takte, kasalanan ko ba at malandi yang bisugo niyang anak? Kung may mabait sa squatters may mga taong masama ang budhi. Mas maitim pa kesa sa kilili ni Popy..putek! "Linisin mo yang dugo na yan sa sahig" utos sa akin ni Kikay kaya tumango naman ako. Habang mina-mop ko ang sahig ay biglang tumayo si Sandrane mula sa pagkaka-upo. "Hinay-hinay partner..baka may mapatay ka" sinamaan ko naman siya ng tingin "Angal ka? Sampalin kita eh..dejoke" "Baliw" bulong ko at agad naman niya akong binatukan. "Aray ko!" Tumawa pa ang bata. "Pasok na sa bahay pagkatapos, Anak" pang-iinis pa niya sa akin kaya tumawa na ako. Kawawa naman siya kung hindi ako tatawa. Tawa kayo. Hindi kayo tatawa? Babantayan kita. I'm watching you! You can't see me? Sabi nga ni John Cena. "Opo, Matandang na gurang" bulong ko. ○○ "Ano nga ang problema, Baleylay?" Pagku-kulit ko na naman kay Bakla pero si bakla inirapan lang ako at pinagpatuloy ang pagsusuklay niya. Taena niya. Hindi naman mahaba buhok niya. "Ayaw niyong sabihin?" Naiinis na wika ko pero ang mga kumag tumingin lang sakin bago ipagpatuloy ang ginagawa nila." Edi magwawala ako" pagkatayo na pagkatayo ko ay agad ding tumayo si Baleylay. "Some papabols are here kase and ang beauty ko ay agad nilang napansin hihihihi" malanding pagkakasabi ni Baleylay. Talagang masasapak ko na toh ah. "Taena ka pero papabols? Lalake? Bagong salta ba?"  Umiling-iling naman siya. "Gwapo't Mayaman ang Fafa, you think nandito ang mga yun for akesh?" Tiningnan ko naman siya ng masama. Mayaman? G..gwapo? Mas gwapo pa sa akin? Taena, masama toh ah. "Ge. Alis na ako at baka masuntok ko pa si Baleylay" nagtawanan naman sina Kikay, Sandrane at si Niña na ngayon ay kumakain na ng tsitsirya na inagaw niya kay Kikay. Mga matatakaw. Gabi na rin kase. Habang naglalakad---syempre naglalakad gusto mong lumipad ako? As I was saying, Naglalakad ako then nakita ko...nakita ko si Superman! Taena ka, sa tingin mo may superman sa squatters? Sosyal si superman kaya wag kang mag-expect. Taenang toh. Iba naman kasi ang nakita ko eh, okay? Gagalit ka? Suntukin kita eh. Lalaking naka-hood. May katangkaran. Taena, magnanakaw na naman? Wala na bang pagsulong ang bansa?! Puro nakawan ah. Nakawan ng pera, nakawan ng bahay, nakawan ng bata, nakawan ng alahas, nakawan ng may jowa ng may jowa. Putragis, asan ang himala? "Hoy matangkad na magnanakaw!" Sigaw ko rito ng bahagya na itong maglalakad. Lumingon naman ito pero naka-mask ito kaya hindi ko nakita. Gago lang? Ready talaga mag-nakaw ah. Iba nga lang kasi naka Balenciaga na sapatos itong gagong toh. Naks, umaangat na talaga ang mga magnanakaw? Sinong mga magnanakaw dyan? Wave lang kayo! "Kilala mo na naman siguro ako.." unang panimula ko saka humakbang ng isang beses para magkarinigan kami ng walanghiya. "Kung ayaw mong madala sa presinto..sumuko ka ng maayos at ibalik mo ang mga nanakaw mo" madiin na wika ko pero ang kumag na toh hindi man lang napa-hakbang papalayo sa akin? Ang iba nga dyan lumuhod na sa akin eh tapos tong gunggong na toh... "Ano?! Hindi ka susuko?" Naiinis na tanong ko kaya dali-dali na akong sumugod sa kanya at ipinaulanan siya ng mga suntok ko. Taenang ito, hindi marunong sumunod. I tried na kunin ang dalawa niyang kamay at ilagay sa likod pero nakakawala rin siya agad-agad. "Malakas kang magnanakaw ah" sinipa ko nga siya sa tyan pero ang gago hindi man lang ata nasaktan ako pa ata...Ang sakit nun ah..ano bang nasa tyan niyan at sumakit ang tuhod ko. "Gag--ARAY!" susuntukin ko na sana siya sa mukha ng bigla niyang gawin ang binabalak ko sa kanya sa akin. "Ang kamay ko! Bumitaw kang g*go ka!" Pinilit kong alisin muli ang kamay niya sa likod ko pero ang naririnig ko lang ang mga buntong hinga niya. "Ano ba! Tang*inang toh! Sabi nang--" Akmang sisipain ko na siya kahit nakagapos ako ay bigla naman niya akong iniwan na lang basta. Pero bakit naka-gapos...tiningnan ko ang kamay ko sa likod ko. At taena, bakit naka-posas ako! "Bumalik ka ritong hay*p ka!" Naglakad ako kasunod niya pero hindi pa ako nakakalapit masyado ay naramdaman ko na pang na may pumipigil sa paa ko. Natali niya ang paa ko? Taenang lalaki yun ah.. "Taena ka, Magnanakaw na sanggano" bulong ko bago umupo sa tabi ng kalsada. Nasa tabi lang ako ng poste na kasalukuyang nakatali ang paa ko. Pag talaga naiisip ko yung g*go na yun ay talagang bigla-bigla na lang kumukulo ang dugo ko ng 100 degress celcius. Putek na yan. Buti na lang walang nakakita kundi ma-isyu pa akong naba-bakla. Taena, ako? Bakla? G*go, wag ako. "T*ngina nya talaga" mahinang bulong ko sa sarili ng makakita ng daplis ng sugat sa kamay ko dahil sa kakapilit na tanggalin ang tali na nakapulupot sa isang paa ko. T*ngina talaga. Pagkatapos kong mura-murahin ang g*gong magnanakaw na iyon sa isipan ko ay nakadating narin agad ako sa bahay namin. Gabi na at ang nakita ko agad sa hapag-kainan ay si Taps na taimtim na nakatulala naman. Nagulat pa nga siya ng kinuha ko ang kamay niya para mag-mano. Ngumiti na lamang ako. "Ikaw pala.." bulong niya at napangiti naman ako ng sarkastiko. Syempre, ako 'toh. The one and only superstar Sharon Cun--G*go. The one and only Lino lang naman 'toh na sobrang gwapo at ma-appeal. Ako LANG 'toh. "Si Mams, Taps?" Tanong ko kay Taps na kumakain na rin pagkatapos naming mag-dasal. Nage-expect rin kasi ako na madadatnan ko si Mams kasabay ng kanyang mga patama moves. "Kwarto" napatingin naman ako kay Taps agad nang mapansin ang kanyang mala-sungit na sagot. Wow lang, ah. 'Di ko ineexpect na mala-sungit si Taps, ah. Naks, may himala nga. "Anyare sayo, Taps? Sungit-sungitan ang peg?" Natatawa-tawa kong tanong pero agad din akong napatahimik nang makarinig na lang ako ng buntong-hininga galing kay Taps. "Huy, Taps" tawag ko at bumuntong-hininga na naman si Taps bago umayos ng upo at humarap na talaga sa akin. Magsasalita na sana siya ng patigilin ko ulit siya. "Wag kayong bigla-biglaang magi-ingles, ah. Ganun yung mga napapanood ko eh" pagjo-joke ko na naman pero hindi naman siya tumawa. Taena, pahiya na naman Lino. Nakaka-bakla talaga putek. "Buntis ang Mams mo, Lano" agad naman akong napatayo at lumipad---Gago, di yan totoo. Oo,tumayo ako at agad hinawakan si Taps sa kwelyo. "T-taps, hindi kayo ang ama?"kinakabahang tanong ko. Taena, hindi ko naman inaasahang ganto ang mangyayari. Taena naman talaga. Okay lang sana na hindi sila magpansinan pero ang magakasala sila sa isa't-isa? Taena, magpapaka-babae talaga ako pag-hindi si Dad ang ama. Hindi ko naman inaasahan na magagawa yun ni Mams. "Buntis ang Mams mo kaya kailangan---" "T*ngina naman, Paps!" Galit na sigaw ko. "Kayo ba ang ama? Hindi ba? " umiiling-iling na lumayo ako kay Taps. Hindi ako makapaniwalang kaya niyang tanggapin muli si Mams. Oo, tatangapin ko din pero putek, nakaya iyon ni Mams?! "Taps bakit hindi kayo ang ama?" Naluluha kong tanong. Taena. Nakaka-bakla. Nakaka-gago. Sinong matutuwa kung malalaman mong hindi si Taps ang ama?! "Sinasabi mo?" Napatigil naman ako sa pag-iyak at dali-daling pinunasan ang luha na nasa mga gwapo kong mukha. "Kasi Dad laging may kausap si Mams--" "Doktor yun, Lina" napabuntong-hininga naman ako ng marinig ko ang nakakadiring totoo kong pangalan. "At ama ako nang bata. Sa tingin mo ba'y kaya ng Mams na mawala ako sa buhay niya?" Napataas naman ang kilay ko sa kayabangan ng Tatay ko. Siguro sa kanya rin ako nagmana. Nakaka-cringe sila. Taena. If you die,I die ang peg nila? T*ngina, tol. Nakaka-baboy tingnan ang mapanuya na tingin ni Dad na akala mo ay sure na sure na mahal na mahal nila ang isa't-isa ni Mams. "Diba hindi kayo nag-uusap, Taps?" Tumango-tango naman siya pero agad ding ngumiti. "Pwedeng mawala lahat ng galit kung ako naman ba naman ang mangungulit" nagtaas-baba pa ng kilay si Taps. Naku, mga corny niyang jokes nakaka-suka. "Eh anong kinatutulala niyo dyan, Taps?" Kung kanina ay tumatawa-tawa pa si Taps ay bigla naman itong naglaho ng biglaan na para bang napaka-t*nga ko at nasabi ko pa kung anong ikinatutulala niya. "Mawawalan na tayo ng bahay, Lina" nagtaka naman si Taps ng makarinig siya ng halakhak galing sa akin. "T-tayo mawawalan ng b-bahay?" Natatawa-tawa ko pang tanong at pinilit manahimik ng makita ko si Taps na tulala na naman. "Paano niyo nalaman, Taps? Sinabi din ng Universe sa inyo katulad ng sa Kung Fu Panda 3?" Umiling-iling naman si Taps. "Sinabi sa akin ng mismong may-ari ng lupa na kinatatayuan ng buong compound" at agad nawala ang ngiti ko. ○○○○○○○○○○ Problem agad sa Kabanata 1, gurl?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD