CHAPTER 5- PLANO KO

1919 Words
CHAPTER 5 – PLANO KO SADE’S POV “good morning Sade…ang aga natin ah” “oo nga eh napaaga” “babe halika na si Sade palang ang nandito” babe? May boyfriend na siya.. “babe?” “oo may boyfriend na ako bestfriend” sino naman kaya “what?!?!? Really I’m so happy for you pero pano na si Ice?” “hi Sade good morning…” wait hindi kaya si Ice ung boyfriend niya? “good morning din Ice” “teka panu naging kayo ni Ice…Macy?” eh nung isang araw lang hinarana pa ako ni Ice ah “niligawan ano ka ba?!” impossible!!! “ah okay…masaya ako para sa inyo” pero kung dito masaya si Macy susuportahan ko siya Akala ko may gusto siya sa akin pero bakit ganito ang nangyari sila na agad ni Macy… Sabi na eh playboy will always be a playboy… *** “okay class I will divide your class into two groups” “ma’am bakit po?” “Role Playing” “oh? Ma’am anong story po ung irorole play namin?” “I will tell you the story tomorrow” Hindi ko kagroup si Macy…si Kaelem at Ice kagroupo ko “Okay, class the first group will be the one who will act. While the other group is the one who will handle the props…okay that’s all goodbye” “nice buti na lang magkakagroupo tayo no!” “bakit ka natutuwa eh ung girlfriend mo nga nahiwalay eh?” “huh? Okay lang lagi naman kami magkasama eh” “okay sige na tara na at maglunch” “okay” Hindi ko gusto ang groupings na ginawa ni ma’am…hindi maganda ang feeling ko Pumunta na kami sa canteen para kumain “babe anong kakainin mo?” “hati na kami ni Kaelem sa pagkain niya” bakit ganyan siya makitungo kay Macy “ah ganun ba samahan mo na lang ako sa counter oorder lang ako…” “kaya mo na yan kung dati nga nagagawa mo nung hindi pa tayo tapos ngayon hindi mo na kaya?” hindi tama to “hindi naman sa ganun pero---” pinutol ko na ung sasabihin niya…alam kung kahit anong gawin ni Macy hindi siya sasamahan ni Ice “Macy ako na sasama sayo…” “sige…salamat Sade” bakit parang hindi masaya si Macy na ako ang sasama sa kanya? Naglakad na kami papunta ng counter “Macy bakit ganun sayo si Ice?” hindi ko na natiis ang sarili ko “baka wala lang siya sa mood kahapon naman sweet siya eh…” “sigurado ka ba kay Ice?” “oo naman Sade…mahal na mahal ko siya lahat gagawin ko wag niya lang ako iwanan” bakit parang nagiba ung mukha niya “Macy sa tingin ko hindi ka niya mahal?” kailangan malaman ni Macy ung totoo “ano ba yang pinagsasabi mo Sade…siyempre mahal niya ako niligawan niya ako eh at kami na ngayon diba?” galit na to panigurado “Macy naman eh?” “basta Sade naniniwala ako na mahal niya ako…tapos ang usapan” Nagwalk out na si Macy alam kong alam niya at nakikita rin niya ung nakikita ko pero ayaw niya lang aminin Talagang mahal niya si Ice *** ICE’S POV “hoy Ice…ano yun panu naging kayo ni Macy? ” kung alam mo lang… “niligawan ko siya kahapon” sinungaling “akala ko ba si Sade ang mahal mo eh bat kay Macy ka nanligaw?” oo si Sade lang mahal ko at wala ng iba *FLASHBACK* Ito ang kadalasan kong ginagawa kapag nasa bahay ako kinakanta ko na lang ung mga nararamdaman ko “nandito ka lang pala?” “oh?...kanina ka pa?” si Macy lang pala ako ko si….nevermind “oo narinig ko ung pagkanta mo” “buti ka pa Macy narinig” sana si Sade na lang “bakit ang gusto mo bang makarinig nun ay siya?” “oo naman no para malaman niyang seryoso ako sa kanya” “Ice pwede bang ako na lang?” wait don’t tell me may gusto siya sa akin? “huh?? Anong pinagsasabi mo jan Macy?” “Ice ako gusto kita hindi ka na mahihirapan pa…ibibigay ko sayo ang puso ko ng buong buo” sabi na eh “Macy sorry pero hindi ko magagawa…mahal ko ang bestfriend mo at siya lang ang gusto nito” sabay turo ko sa puso ko Hindi na umimik si Macy…ako naman tuloy lang sa pagstrum ng gitara “Ice kahit anong gawin mo kay Sade hindi ka niya mamahalin dahil isa kang playboy” magbabago naman ako para sa kanya “alam ko…kaya nga ako nagbabago diba” napahinto ako sa pagstastrum ng gitara “kahit anong gawin mo hindi ka niya mamahalin…kung mamahalin ka man niya pipigilan na niya yun” hindi ko siya maintindihan “anong ibig sabihin mo Macy?” “alam ni Sade na gusto kita…at panigurado hindi niya papayagan ang sarili niyang mahulog sayo kasi ayaw niya akong masaktan” “mahal ko siya Macy” ipaglalaban ko tong nararamdaman ko “sorry ka na lang Ice pero hindi masusuklian ni Sade yang pagmamahal mo…dahil mukhang nagugustuhan na ni Sade si Kaelem” “hindi totoo yan…” “hindi mo ba narinig ung sinabi ni Sade kanina?” “narinig…pero hindi naman niya sinabi na gusto niya si Kaelem ah!” “oo nga dahil naguguluhan pa siya pero ipaparealize ko sa kanya na may gusto siya kay Kaelem” “please Macy wag…hindi ko kaya na ung bestfriend ko ang magiging kaagaw ko sa babaeng pinakakamahal ko” “then be my boyfriend?” eh mahal ko nga ung bestfriend tapos gusto niyang maging boyfriend ako nasisiraan na ba siya “huh?? Anong ib--” hindi na niya ako pinatapos “be my boyfriend at hindi ko na ipaparealize kay Sade na gusto niya si Kaelem” anong gagawin ko? Napaisip ako kung magiging kami ni Macy may chance na maging close ako kay Sade tapos matuturn off pa sa akin si Macy Sige Macy kakagat ako sa gusto mo pero ikaw lang ang masasaktan Ngayon palang humihingi na ako ng sorry sayo Macy Mas mahal ko si Sade at hindi ako susuko kahit na ikaw pa ang humadlang “sige payag na ako” *end of flashback* “hoy pare nakikinig ka ba?” “oo naman” “hay alam kong hindi ka nakikinig” “sorry may iniisip lang” “pare siguraduhin mo lang na hindi mo sasaktan yang si Macy dahil panigurado lagot ka kay Sade” sorry pare pero nasasaktan ko na siya ngayon pa lang “naku pare kung alam mo lang” balang araw malalaman mo din “ang alin?” “basta…” Hindi ko pwede sabihin ung plano ko kay Kaelem alam kong hindi niya magugustuhan yun at panigurado pipigilan niya ako *** “oh? Sade ikaw lang asan si Macy?” “hindi pa ba siya bumabalik dito nauna siyang umalis sa counter eh” saan kaya nagpunta yun? “wala pa hindi pa siya bumabalik” “oh yun naman pala eh bat hindi mo pa siya hanapin?” hay gumagawa nanaman siya ng exsena “huh?? Bakit ko naman siya hahanapin?” “siguro baka girlfriend mo siya at trabaho mo ang alagaan siya?” oo nga girlfriend ko siya pero hindi ko siya mahal ---_____--- “sus ganun ba dapat?” “oo kaya Ice hanapin mo na si Macy!!!” ayoko kakain muna ako gutom na ako eh “pwedeng kumain muna ako?” “di bale na ako na lang maghahanap kay Macy magpakabusog ka na lang diyan!!!” eh yan nagalit pa tuloy si Sade sa akin…kainis ka talaga Macy!!! “pare naman girlfriend mo nawawala tapos ikaw kakain ibang klase ka talaga?!” “pare malaki na siya kaya na niya sarili niya umalis siya edi bahala siyang bumalik” bakit ko sasayangin oras ko sa kanya…kung si Sade yan pwede pa *** SADE’S POV Saan ko kaya hahanapin si Macy… Hindi ko alam kung saan ako magsisimula…. Macy asan ka ba? . . . . . . Ilang oras na ang nakalipas di ko pa din makita si Macy hindi na nga ako nakapasok sa class ko eh Macy pagod na ako Asan ka na ba? Magpakita ka naman na? Baka nasa rooftop siya…hindi na ako nagaksaya ng oras at pumunta na ako sa rooftop Tama nga ako nandito si Macy “Macy???” “a-nong ginagawa mo d-dito?” bakit siya umiiyak “Macy may problema ka ba?” “w-wala to…halika na uwi na tayo” bakit parang iba si Macy ngayon? “Macy naman eh?” sabay hawak ko sa braso niya “DIBA SABI KO SAYO…OKAY LANG AKO WALA TO ANO BA DUN ANG HINDI MO MAINTINDIHAN SADE!!????!” ngayon niya pa lang ako nasigawan “Macy nagaalala lang naman ako sayo eh?” “BAKIT SINABI KO BANG MAGALALA KA SA AKIN????” bakit siya nagkakaganito. “wala pero…bestfriend mo ako kaya may karapatan akong magalala sayo” “SANA NGA HINDI NA LANG KITA NAGING KAIBIGAN” Macy tama na nasasaktan na ako “Macy ano ba yang sinasabi mo?” “wala uuwi na ako” umalis na siya na di man lang tumitingin sa akin Naiwan akong nakatulala dahil sa mga sinabi ni Macy Hindi ko inaasahan na masasabi niya ung mga bagay na yun sa akin mahal ako ni Macy Pero kanina makikita mo sa mga mata niya na galit siya sa akin at kung pwede sasaktan niya ako Macy anong nangyayari sayo? Hindi ko napigilan ang luha ko at napaiyak na lang ako napaupo na rin ako sa sobrang sakit ng mga sinabi niya… “SANA NGA HINDI NA LANG KITA NAGING KAIBIGAN” “SANA NGA HINDI NA LANG KITA NAGING KAIBIGAN” “SANA NGA HINDI NA LANG KITA NAGING KAIBIGAN” “SANA NGA HINDI NA LANG KITA NAGING KAIBIGAN” “SANA NGA HINDI NA LANG KITA NAGING KAIBIGAN” “SANA NGA HINDI NA LANG KITA NAGING KAIBIGAN” “SANA NGA HINDI NA LANG KITA NAGING KAIBIGAN” “SANA NGA HINDI NA LANG KITA NAGING KAIBIGAN” Tama na hindi ko na kaya…Macy bakit mo to nagawa sa akin Bakit pati ikaw iniiwan mo na ako? “Sade?!!” “K-Kaelem?? ” si Kaelem buti dumating siya “anong ginagawa mo dito saka bakit ka umiiyak?” hinawakan niya ako sa dalawang braso ko at tinayo ako “a-a-ayaw n-na a-kong maging kaibigan ni Macy!” hindi na ako makapagsalita ng maayos “huh? Bakit?” “hindi ko rin alam Kaelem…bigla na lang niya sinabi sa akin yun kanina nung naguusap kami” pati rin ako Kaelem naguguluhan “baka nabigla lang siya” sana nga… “hindi Kaelem seryoso ung mukha niya kanina…Kaelem bakit lahat na lang sila iniiwan ako…una, si mommy…pangalawa, si daddy ngayon naman si Macy…paano na ako Kaelem iniiwan na nila ako ayokong magisa...” “Sade makinig ka…hindi kita iiwan tandaan mo yan” sabay yakap niya sa akin “promise mo yan Kaelem wag mo akong iiwan… hindi ko na talaga kakayanin kung may isa pang mawawala” “oo, promise ko yan sayo hindi talaga kita iiwanan…kahit lahat sila iwanan ka ako hindi” habang pinupunasan niya ang mga luha ko..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD