CHAPTER TWENTY-EIGHT _ "Timog, hindi na mauulit!" "Hindi ko na kaya!" "Damn!" "Masakit na!" "South, sorry na!" Bagot akong sumimsim sa apple juice ko at inayos ang pagkakasandal sa malambot na sofa. Nilipat ko sa kabilang pahina ang magazine na binabasa ko bago sila tinapunan ng bagot na tingin. They looked helpless. Nakalinya't nakaluhod silang lahat sa harapan ko habang nakadipa ang mga braso na may mga nakapatong na tig-tatlong libro sa mga kamay. Tumatagaktak ang mga pawis nila sa buong mukha at katawan. Their arms and legs are shaking violently but that doesn't make my heart soft. Bato pa rin ang puso ko sakanila. They deserve it. Kulang pa nga 'yang parusa sa ginawa nilang kasalanan. "20 minutes more," sambit ko saka tinignan ng masama si Peter na malapit nang bumagsak ang

