Chapter 4: Thunderbolt

2619 Words
CHAPTER FOUR _ Put a tang in a mother. For those who understand it, alam niyo na ang ibig kong sabihin. Hindi ko talaga maiiwasang magmura sa nakikita ko ngayon. I'm in the Kitchen - kung kitchen nga bang matatawag ang isang 'to. Nagugutom ako pero dahil ganito ang nadatnan ko sa kusina ng mga Crane, umurong agad ang sikmura ko. "Susmaryusep.." nanghihinang usal ko at sumandal sa pader. Pinasadaan ko ulit ng tingin ang buong kusina, kumirot agad ang sintido ko. Paano ba naman kasi, kung double disaster na ang living room, dito ay Triple Disaster! Kalat-kalat ang harina sa sahig at lamesa, mga kaldero na nayupi at parang basta nalang binato sa kung saan. Mga pinggan, baso na basag at wala ng pakinabang. Mga gulay na lanta na at kung anu-anong mga klaseng kalat pa. Muntikan pa akong masuka ng makita ang isang karne sa lababo na iniipis na! Mariin kong pinikit ang mga mata dahil pakiramdam ko mahihilo na ako. Hindi ko talaga kayang matagalan ang kalat. Anong klaseng mga tao ba ang nakatira sa bahay na 'to at ganito ka-baboy ang lugar nila? Ibang klase. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakasaksi ng ganitong uri ng lugar. Hindi ko na kaya! Jusko! Mamatay ata ako rito! Kahit gutom ay titiisin ko nalang kesa sa kumain ako ng mga iniipis na pagkain. Wala pa naman sigurong nababalitaan na namatay dahil isang araw na walang kain 'diba? Bumalik ako sa sala at nadatnan ko ang limang mukhang nagpupulong muli. Nakaakbay kasi ulit ang mga ito sa isa't Isa at nakabilog habang pabulong na nag-uusap. At dahil wala akong panahon sa ka-dramahan nila ay sinipa ko ang may kalahating vase na nabasag na nakakalat sa sahig, tumalsik ito sa television. Ayun! Basag! Sayang naman 'yung malaking flatscreen na samsung na tv. Gulat na lumingon sa akin 'yung lima. "WHAT THE f**k?!" "Hala!" "Sayang 'yung TV!" "Hala, lagot! Magsu-super sayan na si Noah!!" Kanya-kanya silang reaction pero kapansin-pansin ang katahimikan ni Noah, unti-unting itong humarap sa akin - ng may nanlilisik na mga mata. Kung ibang tao lang siguro ako ay baka natakot na ako sakanya, pero hindi, eh. Ako si Southern Miracle at wala akong kinakatakutan. "BINASAG MO ANG TV KO?!" asik niya na parang kaonting galit pa sakanya ay susugurin na niya ako. Tinapik-tapik siya sa balikat ni Psalm at Isaiah. Nilabas naman ni Peter ang cellphone niya at mukhang vini-video ang nangyayari. Si Genesis naman ay kumuha ng white board at marker, nagsulat siya rito ng, "GO! NOAH! BEAT THAT UGLY WITCH!!" Napabuntong-hininga nalang ako. Mga isip bata na nga, mga bugaw pa. Seriously? "Sayo pala 'yon? Pasensya na, ha, wala kasing nakalagay kung sino ang may-ari. Total dito nalang din ako titira, might as well magbasag narin ako" ngumisi ako. "TV KO PARIN IYON! MAGBABAYAD KA SA GINAWA MO SA TV KO!!" Halos labas na ang mga ugat ni Noah sa leeg. He looked at me like he wanted to murder me but I didn't flinched. "Whoa! Ganyan nga Noah!" si Psalm. "Go, kapatid! Binasag niya ang tv mo kaya gumanti ka!" panghihikayat din ni Peter. "Beat that Witch, Noah!" Genesis encouraged with a punching pose. "Teka! Kampi na kayong lahat kay Noah, papano naman si, Ate?" Isaiah pouted his lips cutely. Ate? At kailan pa ako naging Ate ng isang 'to? Magka-edad lang kami, tss. "Kampi ka nalang kay Timog, Isaiah" sabi ni Peter. Wait - Timog? WHAT THE HELL?! "Sige na nga, kawawa naman si Ate. Pero kay Noah parin ako pupusta, ha?" Ate, Timog. King ina. Ang ganda ng pangalan kong SOUTHERN MIRACLE BENEDICTO! Saka ano bang pinagsasabi ng mga abnormal na 'to? Psh. Ewan ko nga, nagugutom na ako. Hindi ko nalang sila pinansin at bumaling muli kay Noah na nanlilisik parin ang tingin sa akin. "Hoy, Noah's ark! Wala akong panahon sa page-emote mo diyan! Bibilhan nalang kita ng CRT TV kung gusto mo." Cathode Ray tube or CRT tv is an old and thick television that looked like a big box used in '90's. May ganoon sa mansion, ipapakuha ko kay Tito. "CRT Tv? Ano 'yun? Mas maganda ba 'yun kesa sa Samsung flatscreen?" tanong ni Noah. Inikot ko nalang ang mga mata. Hindi pala nila alam kung ano 'yun. Ano nga bang alam ng mga bobong taong mga 'to? "Oo! High-tech pa!" "Wow, talaga?" Aba, nagni-ningning pa ang mga mata niya. Kung alam mo lang kung ano ang tinutukoy ko, ewan ko nalang. "Hoy, Noah! H'wag kang magpapalinlang diyan kay, South" bulong ni Psalm sa kapatid pero dinig ko naman. "Sine-sales talk kalang niyan, Noah" pangungumbinsi pa ng tokmol na Genesis. "Start niyo na yung laban, mame-memory full na ako" sabi ni Peter na may hawak pa ring cellphone. "Psh. Manahimik nga kayong mga tokmol!" singhal ko sa tatlo. Buti nalang hindi umimik si Isaiah. Mukhang natakot sa pagsigaw ko ang tatlo kaya nanahimik na. Buti naman. Bumaling muli ako kay Noah. "Bibilhan kita ng ganung Tv kapag naglabas kayo ng pagkain! Tangina, nagugutom na ako!" I caress my stomach when it growls again. Hindi ko na ata kayang tagalan ang gutom na ito. Ayoko naman ng bumalik sa kusina dahil baka masuka na ako ng tuluyan kapag nakita ko muli kung gaano kagulo doon. *krruuuuuuuuuuuuuuuuu~* Teka! Tunog ba ng tiyan ko 'yun oh.. "Wala na kaming pagkain, Timog!" Noah cried. Nagtaka ako ng makitang nakahawak silang lima sa sikmura nila. Don't tell me sakanila galing 'yong pagkulom ng tiyan na 'yon? "Ubos na pagkain! Huhuhu" iyak din ni Isaiah "I'm f*****g starving!" Genesis hissed. "Tatlong araw na kaming hindi kumakain!" himutok ni Psalm. "Tangina, gutom na gutom na ako!" reklamo rin ni Peter. Jusko! Mukhang makakasama ko pang mamatay sa gutom ang limang 'to. Kung ako nga isang araw palang na hindi kumakain parang maghihingalo na, itong mga 'to pa kaya na tatlong araw ng walang kain? Bilib naman ako at buhay pa sila. Parang gusto ko tuloy silang sabitan ng medalya. Survivors. "Papaanong tatlong araw na kayong hindi kumakain? Wala bang maids na nagluluto ng pagkain?" takang tanong ko. Ang laki ng bahay na 'to kaya posibleng wala silang mga katulong. Pero bigla ko ulit maalala ang magulong kusina. I doubt kung may mga maids nga sila. Bumuntong hininga silang lahat at nanghihinang sumalampak sa sahig. At dahil parang nanghihina narin ako ay umupo din ako, sa tabi ni Isaiah. They looked so sad, broken and hopeless. Ang kaninang mga malilikot na tokmol ay parang mga naghihingalo na ngayon dahil sa gutom. They are so energetic awhile ago but now, they looked like a construction workers who haven't taken a break yet. Tinignan ko ang katabi kong si Isaiah, mukhang isang ubo nalang ay bibigay na ang isang 'to. "Unfortunately, walang katulong. Never kaming nagkaroon ng katulong dahil ayaw ni Dada na may hindi kilalang tao na kasama namin dito sa bahay. Puros mga pizza at chicheria na ang laman ng mga sikmura namin, wala kaming tamang kain" mahabang salaysay ni Noah. "Hindi kami marunong magluto. We tried, one time, pero hindi namin kaya. Sumabog ang kalan. Kaya kung titignan mo ang kusina, medyo magulo ito" sabi naman ni Peter. Wow lang ha, medyo magulo? Nahiya naman ako bigla. Iyon ba ang tingin nila sa kusina? Tss, pambihira. "Sobrang nanghihina na kami. Kaya tignan mo si Genesis, isang kalabit mo nalang dito matutumba na" turo ni Noah sa kapatid at tinignan pa ito ng nakakaawa. "f**k you, Noah!" the poor man hissed angrily at him. "Tignan mo rin si Psalm, South. Sobrang nanga-ngayayat na. Two weeks ago, 8 packs pa ang abs niyan, ngayon ay 6 nalang. Nakakaawa tuloy" sabi naman nitong katabi kong si Isaiah. "Tangina mo Isaiah, mamatay ka na!" agad na asik ng napagtripan. Hinilot ko ang sintido ko. Hindi ko alam kung maaawa ba ako o ano sakanila, eh. Nanghihina na nga't lahat, nagmumurahan pa. Ako tuloy ang nahihiya para sa mga pangalan na gamit nila. Galing sa bibliya pero mga tarantado. Ako na Lord ang magso-sorry para sa kawalaang modo ng mga ito. Kung titignan ay parang mga batang nagsu-sumbong sa akin ang mga ito ngayon. Nakakaawa ngunit nakakatawa. Ang lalaking tao pero kung umakto parang nakulangan ng turnilyo sa utak. Pero bakit naman kaya ayaw magpalagay ng katulong ni Tito, dito? His sons are suffering. "Paano tayo kakain nito? I'm damn starving!" reklamo ko sabay ng pagrereklamo din ng tiyan ko. Walang matinong pagkain sa kusina. Kung meron lang pwede akong magluto - in second thought, hindi pala. Hanggang pagpapakulo ng tubig ang kaya ng kakayahan ko but atleast, I did know how to cook right? Kesa sa mga Crane brothers na 'to na walang alam. "Mamamatay na ata ako.." nanghihinang nahiga si Isaiah sa sahig. "Ako rin.." segunda ni Peter. "Me too.." si Genesis. "Sama-sama na tayong mamatay mga kapatid.." madamdaming wika ni Noah at naghawak-kamay pa ang mga ito. "One for all, all for one! Die young, die handsome and die together!" Psalm chant. Pumikit ang mga Crane at nangisay pero hindi sila bumitaw sa kamay ng isa't isa. Mukha silang mga esperitista na ewan. "Abrubrubrubrubru~~" they chant together with eyes closed. What the... Ayan na naman sila sa ka-abnormalan nila. I shook my head and stood up. Makabalik na nga lang sa kwaryo ko at baka mahawa pa ako sa mga saltik na 'to. Mahirap na. "South, saan ka pupunta? Ayaw mo bang sumama sa amin? Tinatawag na namin si San Pedro para sundin kami papuntang paraiso" sabi ni Isaiah at nakabukas ang isang mata niya para makita ako. "'Ge, lang. Enjoy your trip" bagot kong saad at tinalikuran na sila. Paakyat na ako ng hagdanan ng magsalita ulit ang bunsong Crane. "Thanks, hehe!" -______- Seriously? Hinakbang ko ang mga paa ngunit nakarinig ako ng pagkulog ng sikmura. *krruuuuuuuuuuu~* Hindi ako 'yan. "f*****g stomach." Gutom na gutom na talaga ang mga tokmok. Pagkarating ko sa kwarto ko ay sumalampak ako agad sa kama. Niyakap ko ang sikmura ko nang magreklamo na naman ito. "Calm down, baby stomach. Tiis-tiis muna, okay? I'll eat a very delicious foods and drink a lot of juice for you tomorrow" parang tangang kausap ko ang sikmura ko. Pero mas lalo lang itong nagreklamo dahil sa sinabi ko. I cussed under my breath. Sighing, I pulled my backpack that contains North's chocolates. Wala akong choice kundi ang kainin ang pesteng mga chocolate na 'to. Kinuha ko ang isang plastic ng sneakers at inamoy mula sa labas ng balot. Hindi ko pa nabubuksan pero nagwawala na agad ang sikmura ko. "Ito na, kakain na, 'diba?" Peste, ito ang epekto ng gutom sakin, eh. Pati sariling sikmura kinakausap na. Binuksan ko na ang sneakers at akmang isusubo ko na ito ngunit may biglang kumatok mula sa labas ng kwarto ko. "South? Ikaw ba ang nasa loob? May naamoy akong pagkain! May pagkain ka? Waaah! Pahingi!" boses ni Psalm. What the f**k?! Ang lakas naman ng pangamoy ng isang 'to! Sunod akong nakarinig ng mga kalabog at ganoon nalang ang gulat ko ng sunod-sunod na ang pagkatok sa pintuan ko. Feeling ko nga magigiba na ito anytime dahil hindi lang simpleng pagkatok ang ginagawa nila. Kinakampang nila ang pintuan ko! "South? Open the door! Give us Food!" "Food!" "Food!" "Food!" "Food!" "Amoy chocolate ang naamoy ko! Timog is eating chocolate!" "Chocolate!" "Chocolate!" "Chocolate!" "Chocolate!" Oh crap! *** "Letse! Ang laki nga ng ref wala namang kwenta!" Pagkagising ko kinaumagahan ay agad akong dumiretso sa kusina para maghanap ng pagkain. Hindi sapat ang kinain kong mga chocolates kagabi, hinahanap talaga ng katawan ko ang kanin at ulam. Hindi ko muna pinansin ang mga kalat sa kusina. Mamaya ko na ito pro-problemahin pero malaking problema parin na walang kalaman-laman na pagkain ang refrigerator nila! Peste! Meron ngang laman, puros tubig naman. Nagtataka talaga ako kung papaano nakakayanan ng mga Crane na hindi kumain ng ilang araw. Napabuntong-hininga ako. Ano nalang ang kakainin ko? Binuksan ko ang freezer at nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang may bacon. Kinuha ko ito. Ito nalang ang lulutuin ko. Pero problema na naman kung anong gagamitin kong panluto rito. Inis kong pinagsisipa ang mga nagkalat na basura sa sahig. Basit! Ang laki-laki ng problema ko rito! Arrrgh! "Peste, karma nga naman!" Napailing ako. Ito na nga siguro talaga ang karma ko sa lahat ng mga katarantaduhang ginawa ko sa ama ko. He's good in giving me a punishment. Talaga nga namang dinala niya ako rito sa mga Crane dahil alam niyang wala akong pasensiyang tao. He knew I'll suffer from them. Fuck this life. Marahas akong bumuga ng hangin bago pinulot ang nayuping palayok at hinugasan, sinalang sa kalan at nagluto. Habang nagluluto ay nakarinig ako ng sunod-sunod na yabag pababa ng hagdanan. Paniguradong ang mga Crane na ito at nakaamoy ng pagkain. Ang lalakas ng pang-amoy nila, eh. "Tangina nang nagtulak sa akin!" boses iyon ni Peter. "f**k you, Psalm! I almost fell!" Hmm, that's Genesis. Mabilis ko silang nakilala sa mga boses palang. Iba-iba kasi sila ng timbre at kahit isang gabi ko palang sila kakilala, I could tell their personalities now and distinguish their voices. They are too easy to read. "Tangina mo, Noah! Wag mo akong unahan!" That's the youngest. "f**k you all, Kaps! Nauna ako!" The eldest, Noah. "Pagkain! Pagkain! Nakakaamoy ako ng pagkain!" I'm hundred percent sure that's Psalm. Lumingon ako sakanila at napaikot nalang ng mga mata ng makitang nakasubsob silang lahat sa sahig. Kawawa si Noah na siya nasa pinakailalim. Para silang mga animal na kakalabas lang sa kulungan nila dahil sa itsura nilang hindi magkandarapa. "Waaaahhh!! Pagkain!!" "Pagkain!!" "Pagkain!!" Jusko. Imagine five gorgeous men with a height not lower than 5'9, muscles in right places and with shining shimmering tight abs acting like a toddler. My God! At nakatopless na naman silang lahat! They are really displaying their well-toned body! Mga model ang katawan pero pangtoddler ang mga ugali! Nagtataka tuloy ako kulang siguro ng padede ng mga ina nila sakanila kaya kulang-kulang ang mga utak ng mga Crane na 'to. Ibang klase. Nag-unahan ang lima na tumakbo papalapit sa lamesang may nakahain na pagkain ngunit bago pa nila madampot ang pagkain ay mabilis kong hinarang ang sarili ko rito. "HEEEEP! Hanggang diyan lang kayo!" Automatic naman ang paghinto nila - they didn't move for a couple of seconds. "Timog! Hulog ka talaga ng langit! Sa wakas makaka-kain na kami!" Noah cried in glee. "Tsk tsk tsk," umiling-iling ako. "Sinong may sabing makakain na kayo?" tinaasan ko sila ng kilay. "'Diba, kaya ka nga nagluto para makakain na kami?" umaasang tanong ni Peter. "Who said?" humalukipkip ako. Ang kaninang masasayang mukha nila ay napalitan ng mahahabang nguso. Malungkot silang lahat na tumingin sa akin. "P-pero nagugutom na kami!" maktol ni Peter. "Oo nga! Hindi ka ba naawa sa akin, South? Tignan mo ako, oh! Nagkakasakit na ako dahil sa walang kain!" sabi ni Psalm at pumeke pa ng ubo. Hinimas-himas naman siya sa likod ni Isaiah. Tumingin siya sa kapatid na parang awang-awang ito. "Kaps, kaya mo pa ba? Should we bring you to the hospital?" Bumaling din ito sa iba. "Isugod na natin si Psalm sa hospital! Mamatay na siya!" exaggerated na anunsyo nito. Mas nilakasan naman ni Psalm ang pamemeke ng pag-ubo. I rolled my eyes in disbelief. Seriously? Hindi ko pinansin ang acting ng dalawa. "Listen, Crane brothers, papakainin ko kayo - " They immediately dance in happiness but I raised my hand to stop their celebration. "- but in one condition." Ngumisi ako. Nagkatinginan silang lima. "Dammit! Anything! Just let us eat now because we are damn starving!" tila nauubusan na ng pasensya si Genesis. "Anything!" naglalaway na dagdag pa nito habang naglalawag na nakatingin sa mga pagkain. Dahan-dahan akong umalis sa pagkakaharang sa mga pagkain at, "Eat now ---" Hindi pa ako tapos magsalita ay mabilis na silang sumugod sa pagkain. Naenchapwera na ako sa gilid. "PAGKAIN!" "PAGKAIN!" "PAGKAIN!" "PAGKAIN!" "FOOD!" I blinked three times. Hindi parin ako makapaniwala sa nakikita. Naubos na nila ang pagkain in just 5 seconds! Susmaryusep, mabuti nalang pala naitabi ko ang pagkain ko kanina. It's safe now. Pero iyon ang akala ko. "Timog akin na 'tong nakatabing pagkain dito, ha? Nabitin kasi ako" sabi ni Noah. Huli na nang malaman ko na nakita pala nila ang pagkain na itinabi ko at walang pasabing nilantakan na nito ni Noah --- at sumali pa ang apat. Oh... no... Pagkain ko... Ang pinaghirapan kong prinitong bacon... Kinain na nila... Umakyat lahat ng dugo ko sa ulo at nanlilisik ang mga matang tinignan sila. "TANGINA NIYONG LIMA! PAGKAIN KO 'YAN!!!" sinugod ko sila. Nanlaki ang mga mata nila at takot na nagsitakbuhan pero hinabol ko sila. King ina, makakapatay na talaga ako! "WAAAAAHHHHHH!" "WAAAHH! Nakakatakot siya!" "Waahh! Papatayin niya tayo!" "Dammit! We're dead!" "Huhuhu ayoko pang mamatay!" Nagkabulan kami sa sala. Mas lalong gumulo rito pero wala na akong pakialam. At nang ma-corner ko sila ay ngumisi ako ng nakakatakot. Nagyakapan ang magkakapatid ay nanginginig ang mga tuhod na napaupo sa sahig sa takot. "Huhuhuhu katapusan na natin.." "Any last wish Crane brothers?" I grinned devilishly. Agad nagtaas ng kamay si Isaiah. "Ako, meron!" Tinaasan ko siya ng kilay. "Bago mo ako patayin, pwedeng i-enroll mo muna ako sa Twinkle Star Kindergarten? Hehe, gusto ko doon, eh. Balita ko kasi laging may feeding program doon!" He flashed his sweetest smile. Nanlambot ako agad sa ngiti niya ngunit agad kong winaksi ang pakiramdam na iyon. "Heh! Wala na pala akong pakialam sa mga last wish niyo! Ngayon ay papatayin ko na kayoooo!" I shout and did some crazy stunt. Mas lalong lumubog sa pwesto ang mga Crane at napaiyak. "THUNDERBOLT ATTACK!!" . . . The end..(Joke lang!)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD