Chapter 1: Meet The Crane

1718 Words
CHAPTER 1 _ Inis kong sinipa ang dalawang maleta ko. Damn this life! Just damn it! Hindi pa nakuntento ang Ama ko na ipatapon ako sa lugar na hindi ko alam, tinanggalan pa niya ako ng pera! He collected all my cards and gadgets! Nakakainis! At wala man lang akong nagawa kundi ang hayaan siyang kompiskahin ang mga ito dahil tinakot niya ako! Yes, he damn blackmailed me using my weakness. That President is really a monster. Damn him! "Oh? Akala ko ba umalis ka na? Bakit nandito ka pa?" Inis kong tinignan ng masama si North, nakakatanda kong kapatid. Sa kasawiang palad, kadugo ko ang bruhang ito. "Tigilan mo ako, North, baka maihambalos kita dyan!" banta ko rito. Nasaan na ba kasi si Tito Jackal? Ang tagal naman niya. Sabi nito na hihintayin ako rito sa sala pero wala naman siya. Kating kati na ako na lumayas sa pamamahay na ito. I can't wait to be free, well, kung magiging free ba ako sa pupuntahan ko. But knowing the President, I doubt it. Paniguradong pahihirapan niya ako. Masaya 'yon kapag naghihirap ako, eh. Tumingin ako sa grand staircase ng mansion, wala pa si Tito. Tss, paniguradong nasa opisina pa ito ng Presidente. The President of the Philippines has his own office here in the house. Dito nito madalas ginagawa ang mga hindi niya natatapos na trabaho sa Malacañang. Ayaw niya kasing magmalagi sa Palasyo niya dahil nakakastress daw doon. Ang sabihin niya, binabantayan niya lang ako dahil baka may magawa na naman akong ikasisira ng pangalan niya. "Matapang ka parin, ha? Bakit hindi ka nalang lumayas, like right now? Baka kapag mawala ka sumaya naman ako," mariing sabi ng kapatid ko. Napangisi ako nang hindi makapaniwala. Seriously, hindi ko talaga alam kung anong pinanghu-hugutan ng galit sakin ng isang 'to. We used to be very closed before, pero nagulat nalang ako isang araw ay iba na ang pakikitungo niya sa akin. Galit na galit siya sa hindi ko malamang dahilan. Kulang nga talaga ang turnilyo nito sa utak. Sarap niyang basagin sa bungo minsan. Hindi ko siya maintindihan. "Aalis talaga ako. Bakit sa tingin mo ba natutuwa rin akong makita ang pagmumukha mo? Seriously, North. Kapag nakikita kita, you reminds me of the Avatar. Mukha kang Avatar!" "What did you say?" Naningkit ang mga mata nito. "Mukha kang Avatar! Bingi lang?" "Pwes ikaw, mukha kang Pocahontas!" nakakabinging sigaw niya. Nanliit din ang mga mata ko. Anong sabi niya, ako, Pocahontas? King ina nito ah! "AVATAR!" "POCAHONTAS!" Hindi papatalo ang gaga. "AVATAR! KAMUKHA MO SI AANG!" Umuusok na ang ilong nito sa galit. Napangisi ako. Kahit ganito lang, masaya na ako na naiinis ko siya. "Kamukha mo naman si... si.." napatingin ito sa kisame na parang naghahanap ng isasagot. "Oh, ano? Hindi mo kilala ang character sa Pocahontas?" ngumisi ako. "Wala, North! Talo ka na!" Nagulat ako ng makita si East at West na nanonood pala samin. Prente pa ang dalawa na nakaupo sa couch. May kinakain din silang popcorn. "Heh! Tumigil kayong dalawa! May kilala ako!" taas noong sabi ni North. "Sino?" sabay-sabay naming tatlong tanong. "Si POCACHU!" Poca--- what?! "Who the f**k is Pocachu?" King ina, may ganoon bang character? Pauso din talaga ang bruhang babaeng 'to, eh. "Duh? Siya 'yung bida sa Pocahontas! Bobo lang South?" Irap nito. Napangiwi ako. "Mas bobo ka, pakyu!" "North, tara sa taas nood ng Pocahontas?" nakangiwing sabi ng dalawa. "Tumigil nga kayong dalawa! Gumagaya kayo kay South na bastos! Ate North, mga gungong! Ate niyo ako!" singhal ni North sa dalawa. Napailing nalang ako. Hindi ka kasi karespe-respetong hayop ka kaya bakit ka nila gagalangin? "Y-yes, ATE... " "What's going on here?" Nag-init bigla ang ulo ko ng marinig ko ang boses na iyon. Tumingin 'yong tatlo sa taas ng hagdan. Tuwang tuwa si North pagkakita sakanya, samantalang napasimangot naman sina East at West. Katulad ko, hindi rin nila gusto ang may-ari ng boses na iyon. "Mommy!" tuwang tuwa ang gagang si North at sinalubong pa niya ito sa hagdan. Ano 'to, bagong arrival lang sa Airport? Tss. "Hey! Wait, what's with the baggages? Sinong aalis?" sunod-sunod na tanong nito. I rolled my eyes. As if she really cares. Paniguradong tuwang tuwa pa nga ito na may aalis ng mansion, eh. Baka magpa-party pa siya sa sobrang kagalakan. "Correction, Mom, pinaalis. Pinaalis ni Daddy ang isa rito" North smirked. "Who?" "Who else? Edi ang black sheep ng pamilya? Sino pa ba?" "South?" bumaling ito sakin na may nag-aalang mga mata. Wow, she knew? May patanong tanong pa siya alam naman na niya kung sino. "No! South can't leave the house!" protesta nito, pero halata naman sa boses na tuwang tuwa siya. Plastic. "Yes, Mom. Aalis siya at wala tayong magagawa doon. Remember? Si Daddy ang batas. Mabuti nga 'yon ng makapag pahinga naman kayo ni Daddy sa stress sakanya." "No! Kakausapin ko ang Daddy niyo. He can't just let South leave the mansion. Masakit sakin na mawalay kayo sa paningin ko. Mahal ko kayo at gusto ko ay kompleto tayong lahat" madamdaming sabi ng isa ring bruha. I rolled my eyes. I-nominate ko kaya sa Oscar Award ito for Best Actress? Grabe kasi napapaniwala niya ako sa acting niya. "Hindi ko kaya na may isa sa inyo na mawalay sa akin, ikakamatay ko!" I gritted my teeth. Inis ko siyang hinarap at tinignan ng masama. Pucha, sawa na ako sa drama niya. "Pwede ba, Sylina? Itigil mo na 'yang drama mo, ang pangit mong um-acting!" singhal ko sakanya. Nagkunwaring nagulat at nalungkot ito sa sinabi ko. Lumapit pa siya kay North at nagpakampi. Tss, bagay sila. Mga plastic! "H-hindi ako uma-arte..." pumiyok ang boses nito. Nagtubig din agad ang mga mata niya kaya mabilis siyang inalo ni North at pinatahan. "Wala ka talagang respeto! Pwede bang umalis ka nalang? I hate you! Panira ka na nga sa pamilya, wala ka pang respeto!" sigaw ni North sa akin. I smirked. Wow, ha! "You expect me to respect that?" tinuro ko si Sylina na umiiyak na nakayakap kay North. "Well, I'm sorry, but I will never ever gonna respect her!" sigaw ko. "SOUTHERN!" Umalingawngaw ang makamandag na boses ni Daddy sa taas ng grand staircase. Galit na galit na naman ito. Napamura nalang ako nang lakasan pa ni Sylina ang iyak niya, todo alo naman ni North dito. "Tanggap ko nang bastos ka pero sana naman pinalampas mo si Sylina sa kabastusan mo! At least respect her! Wala ka talagang kwenta!" sigaw na ulit niya. Napangisi ako ng mapait. Wala naman talaga akong kwenta sa paningin niya, eh. "Ipagawa niyo na sa akin ang lahat, 'wag lang ang i-respeto ang babaeng 'yan. She's not worth respecting for" malamig kong sambit. Mas lalong kinagalit iyon ni Daddy. Susugurin na niya sana ako pero mabilis siyang hinarangan ni Tito Jackal at inilingan. "Let's go, South" sabi ni Tito at binuhat ang mga bagahe ko. "Leave, South. At kung pwede don't ever come back, okay?" sabi ni North. Ngumisi pa siya ng pang-asar. I clenched my jaw. May araw ka ring sa aking bruha ka. "Ate.." Napatingin ako kay East at West. Malungkot ang mga mata nila at papaiyak na rin ang mga ito. I held their both cheeks and smiled at them. "Be good. Ingatan niyo ang mga sarili niyo." Sunod-sunod silang tumango. "Take care too, Ate." Binitiwan ko sila at hinarap si Daddy na wala man lang bakas ng emotion ang mukha. He's looking at me coldly. "No one can ever replace my mother in my heart" malamig kong sabi at tinalikuran sila ng walang paalam. Ilang oras na ang nakalipas mula ng umalis kami sa mansion. Nakakangalay ng pwet ang biyahe pero hindi ko maramdaman ang pagod sa sobrang dami kong iniisip. Pinilig ko nalang ang ulo ko at tumanaw sa labas ng binatana ng sinasakyan ko. Papalubog na ang araw kaya naman maganda ang reflect ng kulay nito sa paligid. Ang ganda. Puros mga kakahuyan ang nadadaanan namin at pinapalibutan kami ng kulay berdeng mga bundok. Pakiramdam ko ay nasa probinsya ako. I opened the car window and let the fresh air blow my long hair. It's so fresh and relaxing. Nakakawala ng mga aalahanin ang atmosphere. Patungo kami sa Hunk City, a place that I didn't even know existing. Ngayon ko lang narinig at nalaman ang tungkol sa lugar na iyon. At kung anong meron doon? Hindi ko alam. But for now, I just wanted to forget everything. I want to have a break from all the shits. I want to be free from my father's wrath. I just want to be me. "You'll be safe in Hunk City, South." Lumingon ako kay Tito nang magsalita ito bigla. Nangunot ang noo ko ng may maalala ako. "Hindi mo sinabing may anak ka pala?" tanong ko. Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Mula bata ako ay kilala ko na si Tito Jackal. Matagal na itong naninilbihan sa Ama ko, part narin ata ng trabaho niya ang pagiging mabuting Ama sa akin. Sa tagal kong kakilala at nakakasama ito ay kailanman ay hindi ko nalaman na may mga anak siya. Ngayon lang, at doon pa ako pinatapon ng magaling na Presidente. "Nagtanong ka ba?" I glared at him. Napakamot lang ito sa ulo niya at ngumiti. "Ilan anak mo?" bagot kong tanong. "Limang bata, hehehe." What's with the laugh? Lima ang anak niya? Limang bata? "You mean, mga chikiting ang makakasama ko sa iisang bubong?" What the... sinasabi ko na ngayon, wala akong pasensya sa mga bata. Baka masaktan ko lang ang mga ito kapag ininis nila ako. "Huh? Anong chikiting?" kunot noong sulyap niya sa akin. Nangunot din ang noo ko. "Sabi mo mga bata ang mga anak mo. So I assumed that they are a kids?" "HAHAHAHAHAHAHAHA!" Nagulat ako ng bigla nalang itong tumawa ng malakas. Susme, may sayad pa ata sa utak ang isang 'to. "Correction, isip-bata, South. Mga isip-bata." "What do you mean? Ilang taon na ba ang mga anak mo?" "18, 19, 20, 21, 22." Did he just counted or what? "I don't get it. Enlighten me please." Tila hirap na bumuntong hininga ito at kita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya. "My sons are not that ordinary, South. Malayo ang mga ugali nila sa edad nila ngayon. Nahihirapan na akong kontrolin sila." Mas lalo ata akong naguluhan sa narinig. Hindi ko talaga ma-gets! "I still don't understand." Tumingin ito sa akin at saka ngumiti ng malungkot. "You will know why when we get there." Gabi na nang tumigil ang sasakyan sa harap ng isang madilim at barong-barong na bahay. Nangunot ang noo ko nang bumaba ng sasakyan si Tito. Dito na 'yon? What the hell? Bumaba ako ng sasakyan at pinasadaan ng tingin ang barong-barong na bahay sa harap ko. It's useless! Wala nga ding bubong ang kalahating taas nito, eh! And the windows, takip lang ng tarpaulin ng mukha ng mga pulitiko! Sira-sira narin ang kahoy nitong pintuan. Don't tell me dito ako tutuloy? At kasama ko sa loob ang mga anak niya? "What the f**k is this house, Tito? Wait! Is this even a house o bahay ito ng mga kambing?" nakangiwing akong umiling-iling. "You want me to stay in this f*****g house? Are you kidding me? No way! Ikulong niyo nalang kaya ako sa bilanguan?" Dammit! Never in my imagination na manirahan sa ganitong klaseng lugar, at mas lalong manirahan sa ganitong klaseng bahay! My god! Kung alam ko lang na sa ganito ako titira, edi sana sampal nalang ang ginawa ko sa talipandas na grupo ni Cogee Resales, eh. "There's no way in hell that I'm going to live in that house!" I cried in horror. "H'wag ka ngang oa, iha. Hindi 'yan ang bahay, dito sa kabilang kalsada ang bahay ng mga anak ko. Kung saan-saan kasi nakatingin, hays!" sabi ni Tito. Napangiwi ako. Medyo napahiya ako 'dun, ah! Tumingin ako sa kabilang kalsada at medyo namangha ng makita ang isang malaki na puro's glass wall na bahay. Modernong moderno ang itsura nito. Maganda, pero mas maganda parin ang mansion namin. Pero okay na'to kesa sa barong-barong na bahay. Pumasok kami sa loob. May sumalubong saming dalawang body guard at ito ang bumuhat sa mga bagahe ko. Nagtaka pa ako ng biglang senyasan ni Tito ang dalawang guard na maunang pumasok sa loob. At mas nagulat ako nang maglabas ng baril ang mga ito. "The area is clear, sir" ani ng isa matapos mapasadaan ng tingin ang loob. What the heck is going on? May masamang tao ba sa loob ng bahay? Sinenyasan ako ni Tito na pumasok na kami, so I followed him. At ganoon nalang ang gulat ko ng makita ang loob ng bahay. Makalat. Sobrang kalat. Basag-basag ang mga salamin, tanging tv lang ang natitirang matino. The whole living room was a total wreck. "May dumaan bang... bagyo?" napangiwi ako ng makita ang isang brief na nakasampay sa chandelier. What the heck? "Naamoy ko na ang kalaban!" Nagulat ako ng biglang dumapa sa sahig ang mga body guards, including Tito Jackal na nagtago pa sa likod ng sofa. What the... ano ba talagang nangyayari? Anong kalokohan 'to? "Reload your guns! Get ready! Anytime by now, susugod na ang mga taga Tribo!" sigaw ni Tito na very attentive. Tribo? Kinasa ng dalawang guard ang mga baril nila at nagulat ako ng makita si Tito na may hawak na itak? "Nandyan na sila!!" sigaw na naman niya. *BOOOOOOM* There was a loud explosive in the second floor. Kumalat agad ang nakakaubong usok sa paligid. Damn! Kung alam ko lang na buwis buhay pala ang pagpunta dito sana tumakas nalang ako. King ina talaga, ano ba 'tong pinasok ko? Ubo lang ako ng ubo hanggang sa unti-unting humupa ang makapal na usok. I squinted my eyes when I saw shadows of people upstairs. "Ang grupo ni Adan.." mahinang usal ni Tito. Nanlaki ang mga mata ko. Literal na napanganga din ako sa nakikita. Limang lalaki--- mga GWAPO at may ABS na lalaki ang nakatayo sa tuktok ng hagdanan. I swallowed slowly when I come to realize what was they're wearing. Nakabahag ang mga ito! A traditional outfit wear by tribes. A cloth that only covers their sacred part! Oh my god! At may mga korona pa silang pakpak ng mga manok at may kanya-kanya hawak ng kawayan. Nakakaloka lang na may kanya-kanya pa silang mga pose. Serious mode sila at hindi nababakasan ng emotion ang mga mukha. Pero mas nangi-ngibabaw talaga ang nasa gitna nila na nakasquat at karate pose pa! Susme! Anong klaseng mga gwapong nilalang ang mga ito? "OHWAAAAAAOWAAAAAOWAAAAAA~" biglang sigaw ng nasa gitna nila, iyong naka-squat. Pinalo-palo pa nito ang dibdib na parang si Tarzan. Ginalaw at pinalo-palo naman ng apat ang mga kawayan na hawak sa sahig. "Joaquin! Sumuko ka na! Si Cardo 'to!" sigaw ng isang guard ni Tito. What the f**k?! "Wala tayo sa Ang Probinsyano! Nasa Engcantadia tayo! Hindi mo ba makita na si imao ang isang 'yon?" turo naman ng kasama nitong guard sa pinakamaliit sa lima. -_____- Jusko. "Mga anak! Come to, Dada!" biglang tumayo si Tito at binuka ang dalawang braso sa ere. At ganoon nalang ang gulat ko nang magsi-takbuhan ang lima papalapit sa amin. "DADA!" "TATAY!" "FATHER!" "AMA!" "MAMA!" O_____O One of them hugged me and called me Mama?! WHAT THE f**k?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD