CHAPTER THIRTY _ PSALM CRANE'S POV 9 "Genesis! Tara na sa Clinic! Lagot ako kay South kapag hindi kita napagamot kaagad!" Naiiyak na ako. Nakakatakot kasi 'yung sabi kanina ni South sa text. Bubugbogin niya raw ako kapag hindi ko napagamot ang mga sugat ni Genesis. Ayoko pa namang mabugbog! Tinignan niya ako ng masama. Napalunok ako. Para kasing bubugbogin niya rin ako eh. Bubugbogin na nga ako ni Genesis, bubugbogin pa ako mamaya ni South. DOUBLE DEAD na 'yun! Ayoko pang mamatay! Waaah! Dada! "I need to kill that f*****g Cortez!" sigaw niya sa mukha ko. Napapikit ako kasi tumalsik pa laway niya sa akin. Pinunasan ko kaagad ang mukha kasi baka mahawa pa ako sa pagiging mainitin ng ulo niya. "Kailangan muna kitang dalhin sa Clinic, mamaya mo na patayin si Gab kapag magaling na ang s

