CHAPTER THIRTY-TWO _ SOUTH BENEDICTO "South, nahuli mo ba ang multo?" tanong ni Psalm habang kumakain kami ng umagahan. Natigilan ako at naalala ulit ang nangyari kagabi. Sinabi ng mga Crane na nawalan ng kuryente at may multo. Hindi ko alam kung bakit pero para akong tinakasan ng dugo sa katawan sa sinabi nila. Hindi ko maipaliwanag ang kabang naramdaman ko. For the first time in my life, I got scared. Hindi para sa sarili ko kundi para sa ibang tao—para sa mga Crane. Kinain ako ng kaba at galit. Agad kong sinuyod nang tingin ang buong kabahayanan pero wala akong nakita. Walang nagulong gamit, walang nawala, at tiyak na hindi iyon magnanakaw. Ako ang sadya nila, sigurado iyon. Tinago ko ang isang kamay sa ilalim ng lamesa at mahigpit na kinuyom iyon. "Hindi, pero kapag bumalik siya

