CHAPTER TWENTY-FIVE _ "Kayo ang huling nakita sa rooftop ng oras na namatay si Ms. Sanchez, kaya kayo ngayon ang primary suspect namin," sabi ng matabang pulis. This is the most boring moment of my whole existence. Wala na bang mas ikakabagot pa dito? Nagsasayang lang ako ng oras. Kailangan ko pang umuwi dahil paparusahan ko pa ang mga bwisit sa buhay na mga Crane. Humikab ako saka pinatong ang dalawang paa sa lamesa ng Dean. Lahat ng mga kasama ko dito a loob ng Dean office ay tumingin sa paa ko saka tumingin sa mukha ko. They look at me like I have two heads grown. "Nasa opisina kita Ms. Benedicto, at lamesa ko iyang pinapatungan mo ng mga paa. At least show some manners," mariing sabi ni Dead nang may nagbabantang tingin sa akin. "Namamanhid na ang mga paa ko, Dean. Nakakabagot di

