KOFFIE “Why? Dahil pilya ako? Dahil matigas ang ulo ko?” Naramdaman ko ang muling pagbitaw niya sa kamay ko. Mayamaya, umangat ang kamay niya at bahagyang pinindot ang tungki ng ilong ko. “Matulog ka na.” Napanguso ako. Hindi niya sinagot ang tanong ko. Tumayo siya at hinila ako patayo. Wala akong nagawa nang dalhin niya ako sa kwarto. Pinahiga niya ako sa kama at kinumutan. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya at pilit kong hinuhuli ang kanyang mga mata. Nang natapos na niya akong kumutan, saka lang siya tumingin sa akin. “Good night, sweetcake.” Tumalikod siya, pero agad kong hinawakan ang kamay niya, kaya napahinto siya. Tumingin siya sa akin. “Mahirap bang sagutin ang tanong ko?” Hindi ako matatahimik hanggat hindi niya ako sinasagot. Huminga siya ng malalim. Hindi ako n

