KOFFIE
Dinala kami ng lalaki sa isang silid. Mukhang opisina ito, pero hindi ako sigurado kung kanino. Parang ngayon ko lang ito nakita sa apat na taon kong nag-aaral dito sa D’Amico High School.
“Sit down,” may awtoridad na utos ng lalaki sa malalim na boses. Umupo kami sa upuan na nakapwesto sa gilid ng mesa. Magkaharap kami ni Vergie at kitang-kita ko pa rin ang pamumutla niya. Sa gilid ng mata ko, umupo ang lalaki sa swivel chair. Mayamaya, may tinawagan siya. “Clean my car.”
Napatingin agad ako sa lalaki nang marinig ang sinabi nito. Tinaasan naman niya ako ng kilay. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko at agad na binalingan si Vergie. Nangingilid na ang luha sa mga mata niya. Parang gusto na niyang umiyak, lalo na’t nalaman namin na ang lalaking kasama namin ay ang may-ari pala ng sasakyan.
“Aren’t you going to tell me the truth, or will you two keep lying?” sabi ng lalaki nang tapos na siyang makipag-usap.
“It’s my fault, sir.” Nagsalubong ang kilay ni Vergie. Nilipat ko agad ang tingin sa lalaki. Blangko ang ekspresyon ng mukha niya habang nakatingin sa akin. “I am truly sorry for what I did, but my friend has nothing to do with it, sir. I’m the only one who wrote on your vehicle. I take full responsibility for my actions, sir. Please don’t involve my friend in this,” pakiusap ko. Kung isusumbong niya ako sa principal, tatanggapin ko, ‘wag lang madamay si Vergie.
Muli niya akong tinaasan ng kilay. “I see.” Tumango-tango siya. “You said earlier that you will take full responsibility, right?”
“Y-yes, sir,” sagot ko. Parang biglang gusto kong bawiin ang sinabi ko. May nararamdaman akong kakaiba. Mayamaya, may tinawagan ulit siya.
“Have you started cleaning my car?” tanong niya sa kausap.
Habang may kausap siya sa kabilang linya, sa akin siya nakatingin. Ako naman, sa hindi ko malamang dahilan, titig na titig din ako sa mukha niya. Ngayon lang ako nagkaroon ng interes na bigyan ng pansin ang mukha ng ibang lalaki. Maliban doon sa guardian ni Tamie at sa crush ko, wala na akong pakialam sa iba. They’re gwapo naman kasi. Pero mukhang nadagdagan na naman sila.
He has heavy eyebrows, and his eyes are small, round, and brown. In fairness, his eyes are beautiful. My gaze drifted to his nose; it was sharp and defined, clearly natural due to the visible bone structure. He had a bit of stubble, like he’d just shaved, which looked good on him. Finally, my eyes landed on his natural reddish-colored lips.
Iniwas ko na agad ang mata ko sa labi niya dahil napapahaba na ang tingin ko. Overall naman, he’s gwapo. Yeah, gwapo, pero hindi marunong humingi ng pasensya. Dapat humingi rin siya ng sorry sa akin. Hindi ako papayag na ako lang. Pero nakapagtatakang bigla akong naging observant. I’m too pretty to be bothered with the details of men’s faces. And who cares if his lips are red? Duh!
Napatingin ako kay Vergie nang pasimple niyang sinipa ang sapatos ko. Pinandidilatan niya ako ng mata, pero hindi nakaligtas sa mata ko ang pilyang ngiti sa labi niya.
“Stop cleaning for now. Someone else will continue cleaning my car.”
Nakagat ko ang ibabang labi ko at mariing pumikit. Nagkaroon agad ako ng ideya nang marinig ang sinabi ng lalaki.
Bumalik kami sa parking kung saan nakagarahe ang sasakyan ng lalaki. May dalawang lalaki ang lumapit sa kanya. Nag-usap silang tatlo. Mayamaya, lumingon siya sa akin. Minuwestra niya ang kamay sa kanyang sasakyan.
“You may start cleaning now,” seryoso niyang utos sa akin at bahagyang lumayo sa sasakyan niya.
Hindi na ako nagreklamo. Binigay ko ang bag ko kay Vergie at hinubad ang blazer ko.
“Tulungan na kita, girl,” sabi ni Vergie.
Ngumiti ako para hindi siya mag-alala sa akin. “Kaya ko na ‘to. Napilitin ka lang naman na samahan ako, kaya hindi ka dapat kasali. At the end of the day, I’m still pretty pa rin naman, ‘di ba?” biro ko at nagpa-cute pa sa kanya. Mahina siyang tumawa, pero nasa mukha pa rin niya ang pag-aalala.
“You, come here. It’s hot where you’re standing,” sabi ng lalaki kay Vergie. Nagkatinginan naman kami ng kaibigan ko. Tumango na lang ako para lumapit siya sa lalaki. It’s 12 noon, kaya tirik na tirik ang araw. Anyway, he is kind naman pala dahil inaalala niya ang kaibigan ko. But why doesn’t he care about me? I almost died because of him!
Alanganing lumapit si Vergie sa tatlong lalaking nakatayo sa ilalim ng malaking puno. Ako naman, lumapit na sa sasakyan. Huminga ako ng malalim at bumuga ng hangin. Tinupi ko ang puti kong long sleeve hanggang siko para hindi ito mabasa at madumihan. Sesermunan ako ni Mama kapag nakita niyang madumi ang uniporme ko. Tinanggal ko rin ang silver bracelet at relo ko. Regalo sa akin ito ni Papa at ayokong masira ang mga ito. Nilagay ko ito sa bulsa ng palda ko.
Hindi ako gumagawa ng gawaing bahay, kaya hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Kaunti na lang naman ang tatanggalin ko dahil natanggal na ang ibang sinulat ko. But I’ve got to wear gloves to save my hands from getting rough and dry!
Lumingon ako sa lalaki. “Could I get some gloves, sir?”
Nagsalubong ang kilay niya. “Why do you need gloves?”
Bahagya kong tinaas ang dalawang kamay ko at gumuhit ang ngiti sa labi. “For my hands, sir, to protect them from getting rough,” walang paligoy-ligoy na sabi ko. Hindi napigilan ni Vergie ang hagikgik nang marinig ang sagot ko. Huminto lang siya nang tinapunan siya ng tingin ng lalaki.
Hindi ako sinagot ng lalaki, pero sapat na ang pagtaas ng isang kilay niya para iparating sa akin na hindi ko kailangan gumamit ng gloves.
Hindi ko itinago ang pagsimangot ko bago ko siya talikuran. Wala akong nagawa kundi nakangiwing kinuha ang sponge sa bumubulang tubig na nakalagay sa maliit na timba. Para naman akong car wash girl nito. Lipstick lang naman ito, kaya bakit kailangan pa ng tubig? Pwede namang tela lang ang ipunas dito.
“How can you properly wipe the car if you hold the sponge like that?”
Napatingin ako sa sponge na hawak ko. I held it between my thumb and forefinger, as if I were disgusted by it. I pouted my lips and had no choice but to hold it with my whole hand.
“Hmp! He’s gwapo but too strict. Mas strict pa siya sa Mama ko,” bubulong-bulong na sabi ko habang pinupunasan ang sinulat ko sa sasakyan niya.
Umupo na ako, ‘yong bahagyang naka-angat ang pang-upo sa inaapakan ko dahil biglang sumakit ang balakang ko. Nahihirapan akong magpunas, pero kailangan kong tapusin ito para hindi niya kami isumbong sa principal.
“Hey, you, young lady!” Lumingon ako. Bahagya akong kinabahan dahil madilim ang mukha niya. Baka narinig niya na bumubulong ako. “Stand up!”
Tinaasan ko siya ng kilay. Kaya nga ako umupo dahil masakit na ang likod at balakang ko.
“My back’s killing me, sir. Here, o.” Tinuro ko kung saan masakit. Pinakita ko rin sa kanya na nasasaktan talaga ako para naman maawa siya sa akin kahit kaunti.
Tinaasan niya ako ng kilay. “So? Ikaw ang may gawa niyan, kaya magtiis ka.” Namilog ang mata ko at napasinghap nang magsalita siya ng Tagalog. Kahit si Vergie ay nagulat din. So all this time pala, he knows how to speak in Tagalog? Hala, narinig kaya niya ang sinabi kong gwapo siya, pero istrikto?
Hmp! I’m just stating the fact lang naman. He’s gwapo naman talaga.
Umismid ako. Isumbong ko kaya siya sa ginagawa niya sa akin? Fifteen lang ako, and this is child abuse. Hindi makatarungan itong pinapagawa niya sa akin. Mainit kaya. Tumingala ako. Pero nakagat ko ang ibabang labi ko dahil naka-park ang sasakyan niya malapit sa malaking puno, kaya natatakpan ng mayabong na puno ang sikat ng araw.
“Kainis!” himutok ko at tumayo. Padabog kong pinunasan ang sasakyan niya.
“If I see scratches on my car, ipapaayos mo ‘yan!”
“Paano magkaka-scratch, e, foam itong gamit ko? Ang OA mo, sir!” katwiran ko, pero hindi ko ito pinarinig sa kanya dahil baka isipin niya na bastos akong estudyante.
“I heard you.”
Muntik na akong mapatalon sa gulat nang marinig ang malaking boses niya sa malapit. Sa gulat ko, napaatras ako. Mabato ang parking area, kaya dumulas sa bato ang sapatos ko. Muntik na akong matumba kung hindi agad ako nahawakan sa braso at hinatak palapit sa kanya. Mabilis kong itinukod ang isang kamay ko sa dibdib niya para hindi ako tuluyang sumubsob sa kanya. Pero nagsalubong ang kilay ko nang maramdaman ko ang tila umbok sa dibdib niya.
He got a booby? Eww!
Tinulak ko siya para makalayo agad ako sa kanya. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko nang makita ang nabasa niyang damit. Hawak ko pa kasi ang sponge na ginagamit kong panlinis sa sasakyan niya. Bumaba ang tingin niya sa dibdib niya. Nang makita ang basa sa damit niya, nagbabanta na tingin ang ipinukol niya sa akin. Sa itsura niya, mukhang hindi na niya palalampasin ang ginawa ko.
“You—”
“Mr. De Luca, what happened?”
Nabahala ako nang makita si Ma’am Trinidad, ang principal sa school namin.
“Discipline your students, educate them, and guide them in showing respect to others,” matigas nitong sabi.
“I’m sorry, sir. Ako na po ang humihingi ng pasensya sa ginawa ng estudyante ko. Hindi na po mauulit,” hingi ng paumanhin ni Ma’am Trinidad, na para bang malaki ang respeto niya sa lalaki. Nang tinapunan ko ng tingin ang lalaki, nanliliit ang mata nito habang nakatingin sa akin. Bakas ang pagtitimpi sa mukha niya. Mayamaya, tumalikod na siya at tinungo ang sasakyan niya. Napaigtad pa ako nang sinara niya ng malakas ang pinto ng kanyang sasakyan.
Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi na ako maglilinis. I’m still thankful pa rin kasi ‘yon lang ang sinabi niya sa principal.
Pag-alis ng sasakyan, umalis na rin ang dalawang lalaki. Saka lang din ako binalingan ng principal namin. “Miss Baho, what kind of mess is this?”
“W-wala po, ma’am,” sagot ko.
“Wala? Bakit ganoon ang sinabi sa akin ni Mr. De Luca?”
Yumuko ako. Nang makita ang hawak ko, nakaisip agad ako ng dahilan. “Nabasa ko po kasi ang damit niya.” Pinakita ko agad ang sponge na hawak ko. Nagsalubong ang kilay nito nang tumingin sa hawak ko.
“Bakit ka ba may dalang ganyan?” maang na tanong nito.
“Hiniram ko lang po. Nakita ko po kasing may sulat ang sasakyan niya. Nilinis ko po, pero napagbintangan pa po na ako ang may gawa.”
Heavens, so much dishonesty! These aren’t just white lies. I really need to go to church and pray for my sins.
Kumalma ang ekspresyon ng mukha nito, pero bakas pa rin ang pagkabahala dito.
“Nabasa mo ang suot niya. So, did you apologize to him?”
“No, po,” diretsong sagot ko, na parang maliit na bagay lang ang ginawa ko para humingi pa ng pasensya. After all, humingi na ako ng sorry sa ginawa ko sa sasakyan niya. I think that’s enough.
“What? Bakit hindi ka humingi ng tawad?”
“Dumating po kasi kayo, e. Tapos umalis naman po s’ya agad. Paano po ako hihingi ng sorry?” katwiran ko. Hindi nakaligtas sa mata ko na parang nagpipigil siyang sabunutan ako.
“Pilosopo kang bata ka!” nanggigigil na sabi nito.
“Sorry po, ma’am,” sabi ko na lang. Baka biglang kausapin ang mga magulang ko kapag hindi ako nag-behave. Isang subdivision lang pa naman ang tinitirhan namin.
“Kapag bumalik siya dito, dadalhin kita sa kanya. Humingi ka ng sorry, okay?”
“Po? Why po?
“Nagtanong ka pa talaga. May kasalanan ka, ‘di ba?”
“Wala po,” mabilis kong sagot. Wala na akong kasalanan dahil nag-sorry na ako sa kanya. ‘Yong nabasa kong damit niya, kasalanan niya ‘yon kasi hinila niya ako palapit sa kanya. Tapos nag-walk out pa siya. Ibig sabihin, wala na akong kasalanan. Umalis kasi siya, e.
Kitang-kita ko ang pagtitimpi ni Ma’am Trinidad na makasakit. “Hindi mo ba kilala si Mr. De Luca?”
Tumingin ako sa taas, na parang nag-iisip. Ngayon ko lang siya nakita, kaya hindi ko siya kilala. Muli akong tumingin kay Ma’am Trinidad. Alanganin akong ngumiti.
“Hindi po.”
“Diyos ko kang bata ka!” tila nauubusan na ng pasensya niyang sabi. “Si Mr. De Luca ay apo ng may-ari ng D’Amico. Kabilang siya sa mga nag-observe sa mga fourth-year student!” paliwanag nito na labis kong ikinagulat.
Oh my God! It’s not just that my pretty face is dead; my studies are completely dead too!
“Pilya ka talagang bata ka. Kakausapin ko ang mga magulang mo tungkol dito. Sila na ang bahala magdisiplina sa ‘yo!”
Nanlaki ang mata ko at agad na hinawakan si Ma’am Trinidad para pigilan sa pag-alis nito. “Ma’am, please, huwag n’yo na po itong iparating sa parents ko. Promise, kapag bumalik si Mr. De Leca, hihingi po ako ng pasensya.” Tinaas ko pa ang kanang kamay ko na parang nanunumpa.
“Kung bumalik. Paano kung hindi? Once in a blue moon lang pumunta si Mr. De Luca dito, Miss Baho. Pero ito pa ang ginawa mo sa kanya. Puro ka talaga kapilyahan!” sermon nito sa akin
“Sorry po,” sabi ko na lang.
“Ipagdasal mo na lang na bumalik si Mr. De Luca,” sabi nito bago ako talikuran.
Lumapit agad sa akin si Vergie. “Ouch!” daing ko nang kinurot niya ang tagiliran ko.
“Loka ka! Apo pala ng may-ari ng D’Amico ‘yon.”
Tumulis ang nguso ko. “Hindi ko naman alam. Saka lang naman natin nalaman kung hindi pa sinabi ng principal natin, ‘di ba?” katwiran ko.
Nagsalubong ang kilay ko nang siniko niya ako habang abot sa tenga ang ngiti niya sa labi.
“Aminin mo, gwapo si Mr. De Luca,” bakas ang kilig sa labi na sabi niya. Tumaas-baba pa ang kilay niya.
Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko. “Yeah, he’s so gwapo!” kinikilig na sang-ayon ko, at sabay kaming tumili. Nag-apir pa kaming dalawa sa sobrang kilig.