"SIR!" tawag ni Gracia sa kaniyang amo nang nasa tapat na siya nang pinto ng kuwarto nito. "Sir, ano po 'yong ipag-uutos n'yo sa 'kin?" tanong nito na sinundan pa ng sunod-sunod na pag katok. Mayamaya ay pinihit nito ang seradura. Bumukas naman iyon. Dumungaw si Gracia sa siwang ng pinto upang tingnan kung may tao roon. Hindi niya naman nakita ang binata, sa halip ay ang malinis na silid at higaan lamang nito ang kaniyang nadatnan doon. "Sir? Sir nasaan po kayo?" tawag nitong muli 'tsaka niluwagan ang pagkakabukas sa pinto at pumasok ito roon. Kunot pa ang noo ng dalaga na inilibot ang paningin sa buong silid ni Octavio. Hanggang sa mahagip ng kaniyang paningin ang pinto ng banyo at marinig doon ang lagaslas ng tubig. "Baka nasa loob at naliligo." anito sa sarili. Mayamaya ay napatingin it

