Hindi ko alam kung anong mararamdaman kosa araw na ito. Unang beses ko nanaman kasing magpapakita sa lahat ng madaming tao at sa telebisyon. Inaayusan ako kasalukuyan ng ibang make-up artist at stylist dahil magkakaroon ako ng isang interview guesting regarding sa aking concert bukas. Napatingin kami sa pintuan kung saan may biglang kumatok. Naagapan naman ito ni Alex at agad binuksan. Baka kasi iyong host iyon na madalas bumisita sa mga guest niya bago yung actual show pero nagulat ako nang makita ko sina Ate Rey at Ate Lea na patakbo papunta sa akin para mayakap ako. "Hala ka! Ang ganda mo na!" Yakap yakap ako ni Ate Rey na sobrang tili dahil nakita ako ulit. Sobrang tuwa ko din na makita ko sila ulit. Hindi kasi ako nabigyan ng pagkakataong makita sila dahil sa busy na schedule ko.

