Kanina pa nawawala si Mico at Lyra. Magaalas dose na ibig sabihin ay kailangan na naming magpunta sa hall dahil nandun na ang mga staff at hinihintay kami para sa countdown. Napagutusan pa tuloy kami ni Andrew na hanapin ang kanya-kanya naming loveteam dahil kanina pa sila hindi matawagan o mahanap man lang. Bigla na tuloy akong dinaluhan ng kaba at kirot sa puso ko, ayoko mang isipin ngunit hindi kaya ay magkasama sila ngayon but Mico loves me right? Umiling iling ako sa sariling pag-iisip nang magkasalubong kami ni Andrew sa may shore. "Nahanap mo na sila?" Iyon ang una niyang tanong. Tagaktak na din ang pawis niya kahit pa medyo malamig. Bakas na din sa mukha niya ang inis at pagod dahil responsibilidad niya ang kaloveteam "Hindi pa e, baka nakatulog si Lyra Andrew itry mong tigna

